letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de akin ka - allmo$t

Loading...

[verse 1]
madalas mo man na ‘di maintindihan
at palagi kong tinatago
ang tunay na nararamdaman
‘di ka umalis at
‘di ka nagsabing
sawa ka na at ayaw mo na
ang saya-saya mo kapag niyayakap kita
at ang pangitiin ka’y ‘di mahirap sinta
lagi mong ipinapaalala sa akin
madalas man akong mang-away
ay mahal mo pa rin

[refrain]
at kahit na
hindi man masabing
kailangan ang alaga mo
akin ka, akin ka
‘di ka lumisan at ‘di mo iniwan na lang

[verse 2]
sandalan mo aking balikat
‘pag nararamdaman mo na parang ang hirap
maintindihan nitong kalag-yan
ang kasiyaha’y ikaw
sa araw natin at gabi
ang langit ang naging saksi
sa oras ng mga ngiti
ay ‘di na maikukubli
‘di man laging mapakita
sa ‘yong kulang ako ‘pag wala ka, oh
[refrain]
at kahit na
hindi man masabing
kailangan ang alaga mo
akin ka, akin ka
‘di ka lumisan at ‘di mo iniwan na lang

[verse 3]
‘wag ka munang bibitaw
dahil sinusulit ko ating sayaw
sabay tayong gumagalaw
at mata mo’y natatanaw
ang puso ko’y sumisigaw
dati ay palagi nang giniginaw
dahil sa ‘yo, kaya gan’to
‘yung mundo ko tanging ikaw
kakayanin ko pa ba
kung sakaling ako ay mag-iisa
dahil ‘di ko kakayaning mawala
ang isang katulad mo, aking sinta
dahil sa pagmamahal mo
‘di magbabago
asahan mo ako kapag kailangan mo

[refrain]
at kahit na
hindi man masabing
kailangan ang alaga mo
akin ka, akin ka
‘di ka lumisan at ‘di mo iniwan na lang
[verse 4]
pag-ibig mo na sa ‘kin naipadama
naririto para bigyan ng halaga
kahit na minsan may pagkalito
maging mahirap man, asahan mo
na ‘di mawawala sa ‘yo
‘pagkat nandiyan ako
makakasama mo
mga tampo nawawala
gumagaan, nadadala
pagkasilay sa iyong ngiti
na kailanma’y walang makahigit
‘di hahayaang mawala ka
kasi handa pang masamahan
hanggang sa bukas natin
na sabay haharapin

[refrain]
at kahit na
hindi man masabing
kailangan ang alaga mo
akin ka, akin ka
‘di ka lumisan at ‘di mo iniwan na lang

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...