
letra de dagundong - alamat
[intro: all]
isapuso, isapuso
ang pagka-mandirigma
isapuso, isapuso
alamat, handa ‘rap
[verse 1: mo, alas, mo & alas, taneo, -tomas-, -taneo & tomas-, -gami-]
ilabas ang mga kalasag (ha?)
‘wag ka karag-karag, humandang pumalag (bakit?)
‘di mo ba nakikita ‘yung mga nasa laot?
mga balang-y na dala-dala’y mga salot (pero wait)
mga katawa’y nakatapal ng bakal (oh)
wala tayong laban kung kawal sa kawal
pero ‘pag sama-sama nating palibutan
ewan ko na lang kung hindi sila kilabutan
patalasin mga pana’t balaraw
-sumigaw hanggang lupa ay gumalaw- (-ah-ah-)
‘tong mga mapupusyaw, nag-iinaso
-kapag kanilang baluti’y balutin ng palaso-
[pre-chorus: r-ji]
pulutong, humanay
pasulong, ‘kad
maghintay ka lang, ang mga gimbal ay
[chorus: jao, r-ji, tomas]
dadagun-dadagun-dadagundong
papau-papau-papaugong (ooh)
nagsusumigaw kahit na pabulong
dahil pusong mandirigma
‘di papakutsa, ‘di papapugong
pusong mandirigma, ‘di papadikta
at dadagun-dadagun-dadagundong
[verse 2: alas, mo, r-ji, jao, -r-ji & jao-]
sila ‘yung napugutan, sila ‘yung naghalo ang balat sa tinalupan
kami ‘yung p-n-lo, pero bakit parang kulang
para bang sila ‘yung naghikayat at namuhunan, teka sandali
mga gawi ko ‘yung nabura
ako na’ng magpapalakad
ako ‘yung nakatira
buenom, esto es para ti tambien po
paga tus aportes al ayuntamiento
teka nga, sino kang nagpapapapel?
mga pangalan namin, tinala sa papel
ayaw kong makibahagi, ‘wag ka nang pumapel
-punitin ang sedulang gawa sa papel-
[pre-chorus: tomas]
pulutong, humanay
pasulong, ‘kad
maghintay ka lang, ang mga gimbal ay
[chorus: taneo, tomas, jao]
dadagun-dadagun-dadagundong
papau-papau-papaugong (ooh)
nagsusumigaw kahit na pabulong
dahil pusong mandirigma
‘di papakutsa, ‘di papapugong
pusong mandirigma, ‘di papadikta
at dadagun-dadagun-dadagundong
[bridge: taneo, mo, tomas, jao, -alas-]
daming nasawi
daming mga buhay nawala sa paggapi
mga bayani, ‘di mailibing, mga labi
pero may dalaw-ng n0bela ang nakapukaw ng mithi
pagdating ng bukang-liwayway sa wakas ay
naiwawag-yway na rin natin ang tatlong bituin at isang araw
sa wakas, at tayo ri’y nagkaisa nga raw
-pero ‘di natin namamalayan
meron na palang ugnayan, magpalit-kamay ang mananakop-
ng-yon, ‘di mo ba nakikita ‘yung mga nasa laot?
bagong bapor, dala-dala’y mga salot
[pre-chorus: mo]
pulutong, humanay
pasulong, ‘kad
maghintay ka lang, ang mga gimbal ay
[chorus: r-ji, mo, taneo]
dadagun-dadagun-dadagundong
papau-papau-papaugong (ooh)
nagsusumigaw kahit na pabulong
dahil pusong mandirigma
‘di papakutsa, ‘di papapugong
pusong mandirigma, ‘di papadikta
at dadagun-dadagun-dadagundong
letras aleatórias
- parisian › letra de fortress - parisian
- sanni › letra de 2080-luvulla - sanni
- gripp › letra de metarap - gripp
- ronnettes › letra de be my baby - ronnettes
- ronny j › letra de butterflies (covered in gold) - ronny j
- ahn ye eun › letra de 유 (有) (you) - ahn ye eun
- citizen way › letra de hallowed be thy name - citizen way
- zozeyety › letra de gazing - zozeyety
- depeche mode › letra de people are people (live) [basel 30/11/84] - depeche mode
- jye › letra de hard to fall - jye