letra de nababaliw na ang payaso - aizo
sinabi mo noon, hindi na babalik ang kahapon
ngunit bakit ngayon nandirito pa rin
sinabi niya sa akin, sagabal lang ang damdamin
ang magmamahal ay mahina din
sagot ba ang kamatayan sa lahat ng katanungan
ang paningin niya, ngayo’y dumidilim
kung diyos mo’y makasalanan,
sasambitin pa ba ang kanyang ngalan
paniniwala niya’y nawala na rin
kung dati ang problema’y saglit lamang
nagayon ito’y mahirap kalimutan
pag-iisip niya’y naging malabo na rin
chorus:
nawala na ang kinang at ang kasiyahan
ang ngiti sa mukha ay nakalimutan
nagunaw na lahat sa kanyang mundo
kaya nagayon ay, nababaliw na ang payaso
ang mundo niya ay isang teatro
buhay niya ay isang entablado
pero ang payaso ay tao pa rin
sa kaliwa ang hawak niya’y baraha
sa kanan tangan niya’y gitara
nag-iisip kung alin ang uunahin niya
noo’y nagpapatawa ang payaso
walang pakialam kahit magago
pero bakit naging sensitibo na rin
wala mang bahid ng kalungkutan
pero huwad naman ang kasiyahan
siya’y punong-puno ng tuwa’t pighati
chorus:
nawala na ang kinang at ang kasiyahan
ang ngiti sa mukha ay nakalimutan
nagunaw na lahat sa kanyang mundo
kaya nagayon ay, nababaliw na ang payaso
la, la, la, la, la, lalalala…
lagi mo na lang sinasalo
ang lahat ng aking ibinabato
pagharap ko sa salamin
nandoon ang payaso’t nakatingin sa akin
ano na ba ang kahahantungan
ng payasong anonimo na sa lipunan
hindi na maibabalik pa ang kahapon
ang payaso noon ay hindi na ngayon
wala na siyang pakiramdam
wala na siyang pakialam
wala na siyang tatakbuhan
poot at galit ang nararamdaman
chorus 2:
nawala na ang kinang at ang kasiyahan
ang ngiti ay napawi ng kalungkutan
ako ang payaso, ang payaso ay ako
pero ‘di ko alam, nababaliw na ang payaso
nababaliw na ang payaso…
nababaliw… nababaliw…
nababaliw na ang payaso
letras aleatórias
- jon bellion › letra de my soul back - jon bellion
- rada manojlovic › letra de marakana - rada manojlović
- richard m sherman robert b sherman › letra de chitty chitty bang bang [finale] - richard m. sherman & robert b. sherman
- jean deaux › letra de stranger things - jean deaux
- tachenko › letra de dame una pista - tachenko
- the seekers › letra de california dreamin' - stereo;1999 remastered version - the seekers
- pekka himanka › letra de kankaan kaunis katriina - pekka himanka
- van alles we › letra de en nou die hèndjes de lucht in - van alles wè
- drehated › letra de how life goes - drehated
- momus › letra de jarre in hicksville - momus