letra de panahon - afgala
kay tagal kitang pinagdasal
at hiniling sa may kapal
binulong sa tadhana
nakiusap sa mga tala
nangakong ‘di ka bibitawan
oras na ika’y hagkan
ay aking ibubuhos
ang pag-ibig ko na walang hanggan
ngunit nakalimutang
kausapin ang panahon
na ipakilala ka ng wala pang iba
minahal mo ako na parang tayo
ngunit nauna sya na angkinin ang puso mo
kung kailan naman ikaw ay abot kamay
saka mali ang pagkakataon
sino ba ang mali tayo o ang panahon?
masasaya na pagkakataon
mga nakaw na sandali
tagong pag-ibig na
‘di pwedeng ipagmalaki
ng-yon ako’y umiiyak
dingding ko ay sinasapak
ang ganda na sana kasi
akala ko’y habang buhay na
ngunit nakalimutang
kausapin ang panahon
na ipakilala ka ng wala pang iba
minahal mo ako na parang tayo
ngunit nauna sya na angkinin ang puso mo
kung kailan naman ikaw ay abot kamay
saka mali ang pagkakataon
sino ba ang mali tayo o ang panahon?
ano ba ang plano ng maykapal?
bakit ganito ang hantungan
sana ay may magandang rason
upang kayanin kong lumaban
letras aleatórias
- foflexx › letra de subway general - foflexx
- the skints › letra de get me? - the skints
- muff potter › letra de elend #16 - muff potter
- muff potter › letra de placebo domingo - muff potter
- isabelita › letra de goodbye - isabelita
- demon hunter › letra de ash - demon hunter
- pascow › letra de meine macht für niemand - pascow
- pascow › letra de zwickau sehen und sterben - pascow
- pascow › letra de mond über moskau - pascow
- stephen jailon › letra de insomnia - stephen jailon