letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de vacation leave - abrhm

Loading...

maglaan lang ng ilang araw
iiwanan ang syudad, sa tabing dagat magbilad yeah
maglaan lang ng ilang araw
magdamag titingala mag-aabang pabagsak na tala

tambak ang trabaho… parang bang hindi na matatapos
walang pagbabago…sa loob ng opisina nakagapos
sakit na ng mata bawal muna maghilamos o
ngalay na ang paa sa mataas mo na sapatos
araw araw literal hindi na nga sapat yung halos
dapat lamang ibig-y bakasyon mo ay maidaos
heto bumili na ko ng ticket sa istasyon
panahon na para gumala kahit saan destinasyon
gusto mo rin pala sa dagat baka destiny na yon
magpapalutang sa maalat teka density ba yon?
walang kapares talaga kapag ika’y mapangiti
nagustuhan mo ba ang plano? ‘wag na mag atubili
huwag na muna mag isip sagot ko na ang pamasahe
akong bahala mag-alaga may kasama pang masahe
maglaan lang ng ilang araw
iiwanan ang syudad, sa tabing dagat magbilad yeah
maglaan lang ng ilang araw
magdamag titingala mag-aabang pabagsak na tala

sandal ka muna sa balikat
kalimutan ang bagahe ng problemang kaakibat
tanawing sandali kong mailipat
pagsapit ng dilim hanggang araw ay sumikat
pupunasan lahat ng mga patak ng luha
sa tulad mo na mukhang hindi taga-lupa
balato na sa’kin yung lambingin na parang pusa
kampeonato’y makamit kapag ikaw na ay nakuha
sarap mo panuorin parang telebisyon
di mapapalingon kahit kay jane de leon
mabaon sa buhangin ang mga suliranin
yan ang aking hangarin at ang ating misyon
wala ng ibang gagawin kundi sumama
pakiramdaman mo lamang hanggang sa tumama
di dapat manghinayang oras ay hindi nasayang
bigla mo lang mamamalayan na malaya na pala kaya…

maglaan lang ng ilang araw
maglaan lang ng ilang araw

maglaan lang ng ilang araw
iiwanan ang syudad, sa tabing dagat magbilad yeah
maglaan lang ng ilang araw
magdamag titingala mag-aabang pabagsak na tala
maglaan lang ng ilang araw
iiwanan ang syudad, sa tabing dagat magbilad yeah
maglaan lang ng ilang araw
magdamag titingala mag-aabang pabagsak na tala

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...