letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de isang buhay - abaddon (phl)

Loading...

[intro]
isang buhay na may pag-ibig

[verse 1]
sa bawat buhay ng tao’y mayro’ng pag ibig na nakahimlay
at ang tanging dapat mo lang gawin sa akin sumabay
halika na’t gisingin natin ang tulog mong diwa
ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa
sa pagkakataong ito hari aking opinyon
layunin ko’y magkaisa lahat ng relihiyon
bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin
bawat tao ay may buhay na p’wede ring tubusin ng diyos
ano mang oras handa man o hindi
madadaig mo ba si kristo sa kaniyang pagtitimpi
habang pasan ang krus at ipinakong walang laban
mahal ka ng diyos hindi mo lang ‘to nalalaman
minsan sa ating buhay mayro’ng suliranin
at hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin
basta’t mahalaga mayro’ng isang pag ibig
umaasang may gabay na na’ndiyan lang sa ‘ting paligid dahil tayo’y may

[chorus]
isang buhay na may pag-ibig ‘yan ang kailangan ko
kailangan mo at ng buong mundo
isang buhay na may pag-ibig ‘yan ang kailangan ko
kailangan mo at ng buong mundo
[verse 2]
ako’y na buhay sa mundong hindi inabot ang ama
at inasa ang lahat sa ‘king nag iisang ina
ang mayakap s’ya’t pasalamatan gusto ko pa sana
nang hindi hinahangad saki’y nakalaang pamana
ngunit ako ay naligaw kay haba na ng sung-y
sa tuwing kakausapin niya ko mata ko’y mapung-y
pinili kong daan iba sa karaniw-ng bata
impiyernong itinuring mas matindi pa yata
ang mapayapa at pangakong paraiso
ay ‘di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso
limutin na lang ano man ang maibigan
kung wala kang pera walang tapat na kaibigan
masaklap man ang inabot ko katulad ba sa ‘yo
istorya ko’t maging sayo’y hindi naman nagkalayo
siguro nga pareho lang tayo ng naranasan
tuloy pa rin ang luha ilan beses man punasan dahil mayro’n kang

[chorus]
isang buhay na may pag-ibig ‘yan ang kailangan ko
kailangan mo at ng buong mundo
isang buhay na may pag-ibig ‘yan ang kailangan ko
kailangan mo at ng buong mundo

[verse 3]
dumalaw sa mga kaibigan para matulungan sila
na maibsan ang kalungkutan sa kulungan
‘yan ang aking gawain dati kung alam niyo
sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo
sa mga kasama kong nasa laya na may atraso
lihim na kung mamuhay at binilang na retaso
at isang pilas ng papel na nilamukos
kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos
at bakit ganon ‘pag sinabing muslim ay matapang
‘pag sinabing taga-capiz mangkukulam, mambabarang
‘pag sinabing waray, walang-awa akong pumatay
at ‘pag sinabing pilipino, alipin habang buhay
ako ay pilipino isa rin sa kinakapos
tanong ko lang sino ba ‘yung tinatawag nilang diyos
siya ba ‘yung nakasama mo sa madilim na eskinita
at inakay ka sa may liwanag kahit ‘di mo s’ya nakita
[chorus]
isang buhay na may pag-ibig ‘yan ang kailangan ko
kailangan mo at ng buong mundo
isang buhay na may pag-ibig ‘yan ang kailangan ko
kailangan mo at ng buong mundo
isang buhay na may pag-ibig ‘yan ang kailangan ko
kailangan mo at ng buong mundo
isang buhay na may pag-ibig ‘yan ang kailangan ko
kailangan mo at ng buong mundo

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...