letra de ginintuang tanawin - wilbert ross
[verse 1]
napapaisip sa gitna ng kaguluhan
litong-lito sa pulso ng nararamdaman
‘di mawari kung ito’y isang panaginip
tila ang puso ko’y naglalaro sa kalawakan
[pre-chorus]
sa liwanag ng araw, ika’y nariyan
magkatabi’t sinisilayan ka
‘di na alam, naguguluhan
tuwing kasama kita sa
[chorus]
ginintuang tanawin
sa ilalim ng langit
ika’y kapiling ko
sa pag-ihip ng hangin
kasabay ng awitin
ramdam ang palad mo
sana’y dinggin ang dalangin
ang aking hangaring
mahalin mo rin ako
kulay kahel na langit
nakitang gumuhit
sa ganda ng mata mo
[interlude]
[verse 2]
sumisilip ang tinatagong kagustuhan
makasama ka’t manatili sana sa iyong tabi
umaawit sa kislap ng ‘yong mga ngiti
hihiling na lang na sana’y
ako man lang ay iyong tignan
[pre-chorus]
sa liwanag ng araw, ika’y nariyan
magkatabi’t sinisilayan ka
‘di na alam, naguguluhan
tuwing kasama kita sa
[chorus]
ginintuang tanawin
sa ilalim ng langit
ika’y kapiling ko
sa pag-ihip ng hangin
kasabay ng awitin
ramdam ang palad mo
sana’y dinggin ang dalangin
ang aking hangaring
mahalin mo rin ako
kulay kahel na langit
nakitang gumuhit
sa ganda ng mata
[bridge]
nagtatanong ang aking isipan
nais mo rin ba akong mahagkan
hanggang dito na lang ba
ang ating pagkakaibigan
[chorus]
ginintuang tanawin
sa ilalim ng langit
sana’y malaman mo
sa pag-ihip ng hangin
kasabay ng awitin
ramdam mo ba ako
sana’y dinggin ang dalangin
ang aking hangaring
mahalin mo rin ako
kulay kahel na langit
hindi mapipilit
mabigyan ng pag-ibig mo
letras aleatórias
- letra de gambling - yung brazzers
- letra de one time luv - honey, the hustler
- letra de cr1tikal - javoow//jbroni
- letra de out the gate - jari$
- letra de trainagain - marcinjanek96
- letra de you & i - jahmaiki
- letra de devilish time - vadar x
- letra de my story - aasim
- letra de sick of you - heartbreak avenue
- letra de mustrat - muskrat