letra de palong palo - vice ganda
nanginginig na naman
ang puso kong sawa ng masaktan
oh, woah, oh, woah, oh
naglalaro
sa aking isip
mali bang magmahal ng sagad?
bakit kailangan pang mawala?
bakit kailangan pang mawala?
palong-palo sa kalungkutan
ayoko ng umasa sa wala
palong-palo sa kalungkutan
ayoko ng mag-isa
ayoko ng mag-isa
k-makati na naman
ang pangungulila
hinahanap ang ‘yong yakap at halik
dumidilim
na paligid
saan ba ako nagkamali?
bakit kailangan pang mawala?
bakit kailangan pang k-malas?
palong-palo sa kalungkutan
ayoko ng umasa sa wala
palong-palo sa kalungkutan
ayoko ng mag-isa
ayoko ng mag-isa
palong-palo sa kalungkutan
ayoko ng umasa sa wala
palong-palo sa kalungkutan
ayoko ng mag-isa
ayoko ng mag-isa
(nakakainis yung mga taong, mainit na yung panahon)
(pinapainit pa pati ulo mo ‘no?)
(nakakapagod kasi mag-explain, yung paulit-ulit)
(yung tinanong mo na nga pero tanong din ang isasagot sa’yo)
(oo may ganun eh, at marami sila)
(one time nga may nakasalubong akong gwapo eh)
(sabi ko “hi anong pangalan mo?”)
(ang sagot ba naman “ako po?”)
(sabe ko “hindi, yung nanay mo”)
(“ang ganda niya kase liligawan ko para kapag nagkatuluyan kame”)
(“ako maging tatay mo, gusto kasi kita maging close”)
(nakakaloka siya na nga kausap ko magtatanong pa “ako po?”)
(diba?)
(minsan naman may nakasama ako parang timang)
(may binisita kame pagpasok namin dito sa bahay)
(may nakitang aso)
(ang sabe “ay nangangagat yan?”)
(sabe ko “hindi, hindi nangrerape umiwas ka baka mabuntis ka niya”)
(diba? parang hindi nag-iisip)
(syempre tumatahol, nangangagat aso eh, hay)
(minsan naman nung nasa mall ako, biglang may nagsalita)
(“hi vice ganda, ang ganda mo pala sa personal”)
(sabe ko “bakit? pangit ako sa tv?”)
(“try mo ng-yon sa radyo baka mas maganda ako”)
(diba nakakainis?)
(o kaya naman minsan may magtatanong)
(“ikaw ba si vice?”)
(ay ang sagot ko “hindi, hindi ako”)
(“ako si anne curtis, nakulam lang ang mukha ko”)
(nakita na nga ko, itatanong pa kung ako yun, hay)
(bakit kasi kailangan magtanong ng alam mo na ang sagot diba?)
(at lagi yan ha, hindi lang minsan)
(kahit saan ka pumunta may ganyan)
(sa parlor pumunta ako, pagpasok ko ang bungad sa’kin)
(“papagupit po sir?”)
(sabe ko “hindi, hindi papahaba”)
(“syempre papagupit, parlor diba?”)
(kaka-kakabwesit)
(tapos tatanungin pa sa’yo)
(“ano papagupit mo sir?”)
(sabe ko “yung leeg ko, akin na yung gunting ako mismo gagawa”)
(“syempre buhok, parlor ‘to diba?”)
(kakapag-init talaga ng ulo)
(tapos nung aalis na ‘ko sabay sasabihin sa’yo)
(“aalis na po kayo?”)
(sabe ko “hindi, darating pa lang”)
(nakaka-bad trip, kahit saan ka magpunta may ma-eencounter kang ganyan)
(kahit sa mall may ganyan eh)
(minsan nag-shopping ako, may nakita akong magandang damit)
(gusto kong isukat, sabe ko sa saleslady)
(“miss may size pa kayo nito?”)
(sabi sa’kin “para sa inyo po sir?”)
(sabe ko “hindi, para sa’yo, isukat mo halika ililibre kita”)
(nakakainit ng ulo, hindi mo maiwasan)
(feeling ko ang dapat sisihin dito ay yung impluwensiya ng media eh)
(ng tv, ng pelikula bakit? kasi kahit sa palabas may ganyan eh diba?)
(pag sa pelikula, pumasok yung kriminal sa bahay at nakita nung bida)
(ang unang tanong “sino ka?”)
(ba’t mo tatanungin kung sino siya?)
(may nagpapakilala bang kriminal? kakatok sa pinto tapos sasabihin)
(“good evening po ma’am, ako po si denis”)
(“sila po ang mga kabarkada ko, nanakawan po namin kayo”)
(“pwede na po ba kaming pumasok?”)
(diba?)
(hindi lang naman laging ang bida ang parang tanga eh pati na rin yung kriminal)
(bakit kamo? diba yung kriminal may dala na ngang patalim)
(pero sasabihin pa rin “papatayin kita”)
(ay pano kung sumagot yung bida ng)
(“natural kutsilyo yan eh, alangan namang nagpunta ka rito”)
(“para magpahasa lang” diba hindi nag-iisip?)
(kahit sa mga eksena, diba yung mga nakawan)
(sa may eksena pag ninanakawan ang bangko)
(yung mga bank robbers papasok, tapos sisigaw ng)
(“walang kikilos ng masama”)
(bakit? pa’no ba k-milos ng mabuti?)
(pag k-milos ka ba ng mabuti, out ka na?)
(diba, tapos minsan may sisigaw pa ng “dapa!”)
(bakit? hindi ba sila pwede magnakaw ng nakatayo tayo?, hay)
(pero aminin niyo)
(na kapag naranasan mo ito at ikiniwento mo sa kabarkada)
(diba lahat tayo tumatawa na?)
(na kahit nakakainis, eh nakakagaan na ng feeling kapag shinare mo na sa kabarkada)
(yung bad trip nagiging good vibes)
letras aleatórias
- letra de пустота (emptiness) - eschevskii (эсчевский)
- letra de demon time - dkdashoota
- letra de call my name - ferry blue (페리블루)
- letra de e n esta v i d a - floxeking
- letra de psicodelia - juanse
- letra de i'd love you to want me - lasse stefanz
- letra de off the grid (alternate demo version) - grand hallway
- letra de wingbeats - steve hackett
- letra de засыпай (fall asleep) - macan
- letra de '95 corolla - the moon baby