letra de karatula - ulap
lumalalim ang gabi kahit hindi hinuhukay
pinupusod ang buhok ni bunso na nakalug-y
habang kinukuwento kung paano harapin ang buhay
masalimuot kong haharapin ng walang gulay
anak, ika’y matulog na may pasok ka pa bukas
sabay halik sa noo at takbong k-makaripas
bawat segundo ay hindi dapat pinapalipas
kailangan kong gawin ito kahit magkandakupas ang sarili
alam ko naman na hindi ‘to tama
hindi rin naman mali ang iyong mga akala
pinasok ang dilim para magkaningning ang tala
ngunit sa buhay ko ay nagdulot lang ng pinsala
sadya nga siguro na mapait ang kapalaran
pasensya na, ‘di ako naging mabuting huwaran
ako ang ‘yong ama na walang pinag-aralan
mag-iiwan ng mensahe
‘nak huwag mo akong tularan
isasabit ko sa akin ang
isang malaking karatula
sampal sa aking pagkatao na
hinubog ng pagkakamali na ‘di ko na mababawi pa
‘di na ako makawala
sa kadena ng kahihiyan
nakulong sa kadiliman
oh, huwag mo akong tularan
kapit sa patalim at lunukin ang tinik
tuluyang naging bilanggo sa nasobrahang pitik
dito’y bawal umimik, ‘pag mabagal ay lintik
walang usad ang pagpanhik, lumalakad ng pabalik
nagsimula lang ang lahat sa mga simpleng utos
iabot sa kabilang kanto, heto’ng benteng puntos
para kay bunso na walang pamasok na sapatos
at para na rin sa araw-araw naming panggastos
hindi na makawala, gustuhin ko mang tumakas
dati’y sa taas, ng-yon kay satanas nakabakas
buhay ko’y pinaluputan na ng mga ahas
limot ko na ‘rin kung paano lumaban ng parehas
sadya nga siguro na mapait ang kapalaran
pasensya na, ‘di ako naging mabuting huwaran
ako ang ‘yong ama na walang pinag-aralan
mag-iiwan ng mensahe
‘nak huwag mo akong tularan
isasabit ko sa akin ang
isang malaking karatula
sampal sa aking pagkatao na
hinubog ng pagkakamali na ‘di ko na mababawi pa
‘di na ako makawala
sa kadena ng kahihiyan
nakulong sa kadiliman
oh, huwag mo akong tularan
sadya nga siguro na mapait ang kapalaran
pasensya na, ‘di ako naging mabuting huwaran
(huwag mo akong tularan!)
ako ang ‘yong ama na walang pinag-aralan
mag-iiwan ng mensahe
‘nak huwag mo akong tularan
isasabit ko sa akin ang
isang malaking karatula
sampal sa aking pagkatao na
hinubog ng pagkakamali na ‘di ko na mababawi pa
‘di na ako makawala
sa kadena ng kahihiyan
nakulong sa kadiliman
oh, huwag mo akong tularan
kapit sa patalim at lunukin ang tinik
tuluyang naging bilanggo sa nasobrahang pitik
(huwag mo akong tularan!)
dito’y bawal umimik, ‘pag mabagal ay lintik
walang usad ang pagpanhik, lumalakad ng pabalik
(huwag mo akong tularan!)
sadya nga siguro na mapait ang kapalaran
pasensya na, ‘di ako naging mabuting huwaran
(huwag mo akong tularan!)
ako ang ‘yong ama na walang pinag-aralan
mag-iiwan ng mensahe
‘nak huwag mo akong tularan
letras aleatórias
- letra de people make the world go 'round - kandace springs
- letra de sweet dreams - sunday driver
- letra de sumn funny - polo brian
- letra de stolen cars - allday
- letra de the painter - bride
- letra de halloween - holyvexy
- letra de area code - polo brian
- letra de risk it. - lil lyko
- letra de fly wavy - phouelisi
- letra de girlfriend - cameron minter