
letra de gusto ko nang bumitaw - troy laureta
[intro]
hmm, hmm, hm
[verse 1]
umiiyak, gabi-gabi
walang tinig na naririnig
nakikipaglaban sa digmaan na talunan
hanggang kailan, talo na, pagod na
akala ko ika’y sa akin pa, pero hindi na pala
wala na nga ba talaga?
[verse 2]
naglalagalag sa kadiliman
naliligaw, nalilito, ano nga ba ako sa’yo?
sino nga ba ako sa’yo?
dito sa aking pagkakahimlay
sa dibdib ko ay parang may nakadagan
walang-kasing lungkot, walang-kasing sakit
[chorus]
gusto ko nang bumitaw
ngunit ayaw pa ng puso
gusto ko nang bumitaw
may pag-asa pa siguro
kalaban ang sarili, sino bang dapat pumili?
sino nga ba, ako ba o ikaw?
gusto ko nang bumitaw-aw-aw
[verse 3]
kung kalungkutan kong kaligayahan mo
kung pagkagapos ko’y paglaya mo
kung ang sugat sa puso kong siyang lunas diyan sa puso mo (ooh)
paano na ako, magpaparaya ba?
papakawalan na lamang ba kitang buo sa loob?
pinanghihinaan na ng loob
[chorus]
gusto ko nang bumitaw
ngunit ayaw pa ng puso
gusto ko nang bumitaw
may pag-asa pa siguro
kalaban ang sarili, sino bang dapat pumili?
sino nga ba, ako ba o ikaw?
gusto ko nang bumitaw-aw-aw
gusto ko nang bumitaw-aw-aw (gusto ko nang bumitaw)
[bridge]
humahagulhol ngunit wala namang nakikinig (walang nakikinig)
walang magandang pupuntahan
kailanman ang maling pag-ibig
kaya ngayon, pipiliin ko muna ang aking sarili
bago magmahal muli
magmamahalan pa kaya
magmamahalan pa kaya tayong muli, oh
[chorus]
gusto ko nang bumitaw
ngunit ayaw pa ng puso (oh)
gusto ko nang bumitaw
may pag-asa pa siguro
kalaban ang sarili, sino bang dapat pumili?
sino nga ba, ako ba o ikaw?
[refrain]
gusto ko nang bumitaw-aw-aw
gusto ko nang bumitaw-aw-aw (aw)
bibitaw, hmm
[outro]
pipiliin ko nang sarili (bibitaw, bibitaw)
bibitaw, bibitaw na
letras aleatórias
- letra de could be - andré norbeck
- letra de coraline - the throne
- letra de chengetedza - jah prayzah
- letra de phire to pabona - raj thillaiyampalam feat. hridoy khan
- letra de there she is - frank turner
- letra de primetime - kb
- letra de pick up yourself - brain damage feat. harrison stafford
- letra de this love kills me - gabriel & dresden feat. sub teal
- letra de little boy - token
- letra de kids in love - kygo feat. the night game