letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de mabuti pa sila - tj monterde

Loading...

[verse 1]
mabuti pa ang mga surot, laging mayro’ng sisiksikan
mabuti pa ang bubble gum, laging mayro’ng didikitan
mabuti pa ang salamin, laging mayro’ng tumitingin
‘di tulad kong laging walang pumapansin

[verse 2]
mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel
at mas mapalad ang kamatis, maya’t maya napipisil
napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda
‘di tulad kong lagi na lang nag-iisa

[chorus]
ano bang wala ako na mayro’n sila?
‘di man lang makaisa habang iba’y dala-dal’wa
pigilan n’yo akong magpatiwakal
mabuti pa ang galunggong, nasasabihan ng “mahal”

[verse 3]
kahit ang suka ay may toyo at ang asin, may paminta
mabuti pa ang lumang dyaryo, at yakap-yakap ang isda
mabuti pa sila, mabuti pa sila
‘di tulad kong lagi na lang nag-iisa

[verse 4]
mabuti pa ang simpleng tissue at laging nahahalikan
mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan
mabuti pa sila, mabuti pa sila
‘di tulad kong lagi na lang nag-iisa
[chorus]
ano bang wala ako na mayro’n sila?
‘di man lang makaisa habang iba’y dala-dal’wa
pigilan n’yo akong magpatiwakal
mabuti pa ang galunggong, nasasabihan ng “mahal”

[outro]
mabuti pa ang mga sn-tcher, palaging may naghahabol
ang aking luma na computer, mayro’n pa ring compatible
mabuti pa sila, mabuti pa sila
‘di tulad kong lagi na lang nag-iisa
‘di tulad kong lagi, lagi na lang nag-iisa, nag-iisa

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...