
letra de hindi ako iiyak - the flippers
kapeng aking tinitimpla
lagi ngayong lumalamig
hindi ko malaman kung kulang sa tamis
tasang walang kibo sa aki’y nakat-tig
ako’t siya’y naghihintay masagi ng iyong bibig
buhok na mahaba
iniingat-ingatan ko
noong isang linggo’y pinaputulan mo ito
marahil ay pagod lamang ang aking isipan
at hindi ko napansin at hindi pinutulan
h’wag kang magalala di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga-patak
pag-ibig na minsan na ating dinanas
sa tulad kong putik tama na at sapat
pintong dati-rati’y bukas ang aking pag-dating
ngayo’y naka-sara at panangga sa hangin
kung ako ay dumalaw at ito ay katukin
kahit mahina pa sana ay iyong sagutin
kay linis ng silid walang nagkakalat
medyas at sigarilyo’y walang nagkakalat
sanggol na nasanay nasanay sa ama
ngayo’y natutulog kahit nag-iisa
h’wag kang magalala di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga-patak
pag-ibig na minsan na ating dinanas
sa tulad kong putik tama na at sapat
h’wag kang magalala di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga-patak
pag-ibig na minsan na ating dinanas
sa tulad kong putik tama na at sapat.
hmmmm…
letras aleatórias
- letra de get dirty - charli xcx
- letra de you are - lazarus
- letra de love song - riky
- letra de the voice - positive voltage
- letra de you can blame me - jenna raine
- letra de i feel so free with you - pitbull
- letra de fairytale - zyr
- letra de без тормозов (without brakes) - сплин (splean)
- letra de polly wants a crack rock - the desert sessions
- letra de praise the king (live) - churchouse