letra de kahilera - teyo j
v1:
kahilera, nakatabi lang sa bodega
oras nakatengga sa paibabang kometa
mismong sinusukat nang taong-taong pinetsa
listang pinepetsa kung tama ba ang suspetya
binuo nang, mga numerong binulong
sinuplong sa mga bawat turong
kuro-kurong pisikang nilantad ang katabing
ibayong iba yung tinalaga at talagang pinala
pilit man pero hindi natin masabi sa iba
kabuuang pisikang ginamit ng iba
kinuha at pinag-aralan ng mga madla
ito nga ba talaga ang tinawag na aninong
‘di makita at pilit natin hawakan at malasap
hook:
kahilerang, kinarera
nang sansinukob
milyong milyong planeta
ngunit pareho ang hulog
agham na panimula sa mata ng mga tao
sampu-sampung-isa’t anim ang mga itinago
dalang-dala nang naka-talaga
salik-saliksikin ang bawat pisika
agham o ating matematika
nakakabaliw nga naman talaga ang daluyan nito
oras-oras pareho ang prutas
na niiilabas
bawat tao may kanya-kannnyang
ginagawa
mundong ibang anyo ang ating sinampa
nakita mo sarili pero hindi ka kilala
v2:
kinaiya nang, sarili mo nang anyo
ikaw na ikaw pero iba ang mga binato
iisang mundo, ngunit iba-iba ang tinayo
liknayang sagot kung bakit ka nandito na ng-yon
parang kang dayuhan na bula ang/bulaang
napaka-hiraya sa isipan
pagkat pangkat-pangkat ang kamalayan
sa isip ng kapwa mo dayuhan
bakit ba ganon, yari’t niyari ng pagkakataon
isang teorya ang babago isip-isipan ng sanggol
nasa sampu’t, limang daan ang pagkasukat
nang mga sinukat nang sinuka’t ng mga utak
nabuo ang isang experimentong kinagulat
nang mga taong tinaong nagmarka at umulat
outro:
hinduismo, budismo mitolohikang kosmologo
kathang-isip na ideyang mga siyentipiko
ang dami paliko-liko, andaming nang nalilito
pero pa’no kung totoo ang mga hakang-hakang ‘to
letras aleatórias
- letra de little dove - kayley bishop
- letra de meta - даня подмаркой (danya podmarkoy)
- letra de can't get blue monday out of my head (live in manchester) - kylie minogue
- letra de numb from my feelings - teen gud, indecent 88
- letra de pimpin - shhhmeeky
- letra de i'm gonna be sick - indigo (us)
- letra de de carne y hueso - tony lozano
- letra de livity - midnite
- letra de night calls - chase atlantic
- letra de from this hell - tether, britney dipaola