letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de tanong ni nanay - teacher cleo

Loading...

[chorus]
sa araw-araw na pagpasok ko
tinatanong ako ng nanay ko
kung ano ang natutunan ko
sa turo ni titser na aralin ko

[verse 1]
“k-musta ka naman sa school, anak?”
“naglaro po kami, inay”
“ano, naglaro lang kayo?”

[verse 2]
huwag magalit o magulat man
kung ang sagot ay naglaro lang
sa paglalaro’y may natututunan
iba’t ibang konsepto na kailangan

[chorus]
sa araw-araw na pagpasok ko
tinatanong ako ng nanay ko
kung ano ang natutunan ko
sa turo ni titser na aralin ko

[verse 3]
“o ano naman ang ginawa mo ngayon sa school, anak?”
“k-manta po kami”
“k-manta?”
[verse 4]
sa mga awit natututunan ko
mga letra, maging ang numero
sa musika, nag-eenjoy ako
kung kaya’t hindi boring ang pag-aaral ko

[chorus]
sa araw-araw na pagpasok ko
tinatanong ako ng nanay ko
kung ano ang natutunan ko
sa turo ni titser na aralin ko

[verse 5]
“anak, bakit ba maingay sa classroom niyo?”
“nag-eenjoy lang po kami sa lesson namin, inay.”

[verse 6]
subukan niyong sumilip sa eskwela
sa kuwarto namin ay makikita
masasaya at magagaling pa
mga batang tulad ko, enjoy sa school t’wina

[verse 7]
nais ko sanang inyong malaman
kaming mga bata ay sadyang ganyan
ang pagtuturo’y gawing mainam
mga awit at laro ang kailangan
[verse 8]
la-la-la-la-la-la-la-la-la
la-la-la-la-la-la-la-la-la
pangako ko sa iyo, o nanay ko
ang aking pag-aaral, pagbubutihan ko

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...