![letras.top](https://letras.top/files/logo.png)
letra de hindi ako iiyak - susana pichay
[verse 1]
kapeng aking tinitimpla, lagi ng-yong lumalamig
hindi ko malaman kung kulang sa tamis
tasang walang kibo sa ‘ki’y nakatitig
ako’t siya’y naghihintay masagi ng iyong bibig
[verse 2]
buhok na mahaba iniingat-ingatan ko
noong isang linggo’y pinaputulan ko ito
marahil ay pagod lamang ang iyong isipan
at ‘di mo napansin at hindi tinutulan
[chorus]
huwag kang mag-alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga-patak
ako’y pinulot mo singdumi ng burak
binigyang-pangalan itong aking anak
[verse 3]
pintong dati-rati bukas sa iyong pagdating
ng-yo’y nakasara at panangga sa hangin
‘pag ikaw ay dumalaw, ito ay katukin
kahit mahina pa ito’y aking sasagutin
[verse 4]
kay linis ng silid, walang nagkakalat
medyas at sigarilyo’y walang naghahanap
sanggol na nasanay, akala ay ama
ng-yo’y natutulog ito kahit nag-iisa
[chorus]
huwag kang mag-alala, ‘di ako iiyak
hindii magdaramdam kahit na ga-patak
pag-ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
huwag kang mag-alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga-patak
pag-ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
letras aleatórias
- letra de yung byte x yung ki - run it - yung ki
- letra de queen of the runaround - royal'z (mn)
- letra de best fran - $orr¥
- letra de "bright"side - marzo xyx
- letra de cold hard bitch (live) - jet (band)
- letra de suspicion (otherview remix - radio edit) - lp
- letra de anxietate - valeriu sterian
- letra de that voodoo - welshly arms
- letra de k team '06 - villebillies
- letra de se o mundo inteiro pudesse me ouvir - filosofia de rua