letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de solusyon - sub a of systmtc music

Loading...

gabt:
sobrang dami ng problemang bumabalot sa’ting isip
wala namang humihirit para mabago ang ihip
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon

deiville:
ating pag usapan nang inyong maunawaan
ang lumalaganap na karahasan
ang biktima mga kabataan na walang kamalayan
sa panganib at tukso ng makamundong kaisipan
mangmang na kritiko (sarado ang isipan)
matang nakapikit (nagbubulag-bulagan)
sa dalaga na binaboy natagpuan sa talahiban
buhay na iniingatan biglang kinitilan
hayan na ang pulisya, meron kayang hustisya
na ipapataw sa salarin na nababalot ng malisya
dipende sa hapunan ng matatakaw na buwaya
pakainin mo ng ginto siguradong ika’y makakaasa
sa gobyernong ganito sila ang tunay na problema
gumagana lang ang makina ‘pag hinulugan ng barya
sa timbangan ng katarungan ang balanse’y di pantay
dahil tumitimbang ito ‘pag meron ka lang inilag-y

gabt:
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon

systmtc:
bakit ka ba napapagod, may nagtutulak sayo
bakit ka pa matatakot, kung may tagasalo
kahit anong gawin sa madilim ay walang sabit ‘to
hindi pwedeng madiin pagkat kapitan ang kapit mo
may laban ba ako, walang pambayad sa inyo
mabibig-y ko lang ay oras ko, ito’y ginto
palapit na ba hangarin ko, bat ganito?
di na ba darating ang nais ko, ako si hachiko
naaakit mo ang abogadong abusado na
naaamoy ang pera kahit sa’ng lupalop pa
nanggaling salapi na baka maging bato pa
nilunok na ang dangal kaso kasuka-suka
sa panahon ng-yon, hindi na pantay
sanga-sangang koneksyon meron lang tayong tangkay
bayad ng pera ang hustisya mong inaantay
kasi sa buhay mahirap lang ang bawal sumablay

gabt:
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon

jt:
bayan kong pilipinas aking lupang sinilangan
ano ba ang nangyari sa’yo bakit lahat nahihirapan?
mga walang trabaho, nakatambay nalang sa kanto
away dito’t doon laging basagan ng ulo
kailan ba matatapos kahirapan na natatamo?
bawat pilipino napakahirap umasenso
walang hanggang trabaho ang ating natatamo
sa malalaking pangalan sila lang ang umaasenso
dito sa’ming bayan marami kang malalaman
mga tao pinapatay kahit walang kasalanan
mga bantang umiindak matamo ang kasikatan
mga eskalawag na nang kwenta sila pa ang matatapang
balang araw boses ko’y magiging pala-isipan
ating labanan mga negatibong hindi kailangan
pagkat naman ito’y kabutihan nang karamihan
at para sa mga bayani na di masayang ang pinaghirapan

gabt:
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
sobrang dami ng problemang bumabalot sa’ting isip

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...