letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de el niño - space moses

Loading...

pinagpaliban ang bawat katwiran di na naisip ang kalakip
nang magpabihag na sa’yong liwanag habang buhay ang tag-init

at nagpadalos-dalos hinaluan ang agos
ako’y gapus-gapos kaluluwa’y tila nalalapnos

lunas sa panunumblay na natagpuan lamang sa iyong kamay
sumikdo’t nag-agaw buhay na’t lahat tuloy parin ang aking pagsabay

k-makalam nanaman tinatawag ng laman
nang mahagkan na ang kasalanan
nagbabadyang maranasan lahat sa karimlan
nang mahagkan na ang kasalanan

lipad malaya ka walang pipigil satin ang takot ay bitawan na
sagad hanggat kaya walang panlasang kinikilala ang biyaya niya

indayog at dugo, labis ang pagkahumaling sa panganib
lingid sa wasto, kapit sa patalim may taning ang gabi

lunas sa panunumblay na natagpuan lamang sa iyong kamay
sumikdo’t nag-agaw buhay na’t lahat tuloy parin ang aking pagsabay

k-makalam nanaman tinatawag ng laman
nang mahagkan na ang kasalanan
nagbabadyang maranasan lahat sa karimlan
nang mahagkan na ang kasalanan

el niño magpakailanman
giliw ko tuluyang nadarang

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...