letra de hustisya o timbangan - siklomalib
sa ilalim ng ilaw, may matang piring
tahimik ang gabi, may bulong sa hangin
kaliwa’y bumibigat, kanan ay kasalanan
ang hatol ng mundo, tila nabibili
sino ang tama? sino ang tunay?
ang bigat ng budhi di mo matutumbasan..
hustisya o timbangan, alin ang pipiliin?
ang totoo, o ang may kapangyarihan?
kaliwa’y sigaw ng bayan
kanan may gintong laman…
may martilyo sa kamay, ngunit basag ang tunog
sigaw ng inosente nilamon ng usok
ang bigat ng luha di na matakpan
sa timbangan ng mundo, sino ang lalaban?
sino ang tutugon sa hiyaw ng gabi?
tahimik ang diyos, o baka napagod na rin?
hustisya o timbangan, alin ang pipiliin?
ang dugo o dangal ng ma,mamayan?
kaliwa’y sigaw ng bayan
kanan may gintong laman…
dumudulas ang katotohanan
sa kamay ng makapangyarihan
ngunit pag napuno ang kaliwa
babalik ang hustisya….
hustisya o timbangan, alin ang mananatili?
ang budhi, o ang kasinungalingan?
ang bigat ng kaliwa’y di mapantay
bawat luha may kabayaran…
timbang luluhod din
sa bigat ng kasalanan
hustisya, maghihintay ka rin…
napakatagal ng umiiral
ngayon ay napupuno
letras aleatórias
- letra de down in the dm (remix) - yo gotti
- letra de photo copied - future
- letra de no pelo e na pele - mc th
- letra de escape your love - chris brown
- letra de kapitel 1 - disney
- letra de closing my eyes - jess harlen
- letra de mam'zelle - dj deedir, leck & nej
- letra de majja malcha - vijay sethupathy, praba & jagadesh
- letra de jauh disayang - the mercy's
- letra de mesin pemusnah penjahat cinta - netral baru