letra de anino ng panata - siklomalib
tahimik ang simbahan
may dasal sa hangin
dalaw-ng pusong nagtagpo
sa gitna ng bawal na sandali
hindi nila inintindi
ang mata ng mundo sa paligid
pag-ibig na dapat itago
ngayon ay apoy na di mapatid
malamig ang gabi
ngunit puso’y naglalagablab
bawat pangakong binitiwan
may sugat na di na maghilom
sa mga anino ng panata
nagtago ang katotohanan
pag-ibig na walang pangalan
ngunit di kailanman nawala
may mga yabag sa lupa
mga tinig na naghahanap
isang paghabol, isang sigaw
pagibig na nauwi sa dilim
ang pangalan mo sa labi ko
bulong sa hangin
hindi man kita hawakan
damdamin ko’y naroon pa rin..
ngayon ay alaala na lang
ang yakap na huling iniwan
pero sa bawat tibok ng puso
ikaw pa rin ang dahilan…..
malamig pa rin ang gabi
ngunit alaala’y buhay pa rin
sa mga anino ng panata
tayo pa rin ang lihim na awit
kung maririnig mo ang hangin
ako pa rin ang iyong pangalan
pag-ibig na di tinapos
na muling nagtagpo….
sa kung ano ang,.
panahon ngayon…..
letras aleatórias
- letra de i might have been queen (soul survivor) [2023 remaster] - tina turner
- letra de break the bars with the melody - time
- letra de flores - pipa (prt)
- letra de sweet as honey - miller matthews
- letra de benim adım ölüm - joker
- letra de still here - r.j. roze
- letra de снова (again) - thosenight, myxomor
- letra de you are my great love - savoia music
- letra de зачем (why) - goshu
- letra de tiger - ashley brooke