
letra de mahal pa rin kita (2018) - sharon cuneta
[verse 1]
‘di ko man maamin sa aking puso
‘di na nararapat ngunit bakit ganito
hanggang ngayo’y nasasaisip ikaw lamang
kahit na nga mahabang panahon na’ng nagdaan
[verse 2]
ako ba’y nagsisisi’t hinayaang mawala (hinayaang mawala)
nalimutan ko na bang ako’y ‘yong pinaluha (ako’y ‘yong pinaluha)
ikaw kaya’y gano’n din at minsa’y dumaraan
sa isip mo’ng tamis ng dating pagmamahalan
[chorus]
‘di na maaaring ibalik ating nakaraan
‘di ko na nais pang madamang ako’y iyong saktan
ngunit pilit mang limutin at ‘di maamin sa puso’t damdamin
ikaw pa rin (ikaw pa rin, mahal)
mahal pa rin kita
[verse 3]
minsan sa ‘king pagtulog, panaginip ka (panaginip ka)
ang puso ko’y hindi pa rin mapahinga
akala mo’y wala na, o, kung alam mo sana
hindi pa rin nagbabago pag-ibig ko sa ‘yo
[chorus]
‘di na maaaring ibalik ating nakaraan
‘di ko na nais pang madamang ako’y iyong saktan
ngunit pilit mang limutin at ‘di maamin sa puso’t damdamin
ikaw pa rin (ikaw pa rin, mahal)
mahal pa rin kita (minamahal pa rin kita)
mahal pa rin kita (minamahal pa rin kita)
ah, ah
‘di na maaaring ibalik ating nakaraan
‘di ko na nais pang madamang ako’y iyong saktan
ngunit pilit mang limutin at ‘di maamin sa aking damdamin
ikaw pa rin (ikaw pa rin, mahal)
mahal pa rin kita
mahal pa rin kita
mahal pa rin kita
mahal pa rin kita
[outro]
mahal pa rin kita
letras aleatórias
- letra de crazy minds - remix - joseph jang, k5
- letra de all the smoce - kent jamz
- letra de quien sabría? - matias poro
- letra de kolom - buk bak
- letra de risma - t-rec
- letra de novo sol brilhou - músicas católicas
- letra de mikham park konam ghayeghamo roo yachtam - sina sae
- letra de royalty - the dawn retreat
- letra de polvere - overground rap
- letra de umi (remix) - parkineos & rojuu