letra de maaari ba - saliw
[intro]
[verse]
buong akala ko’y wagi
hindi na nga ba darating
magdamag na nag abang
walang ikaw na dumaan
buong akala ko’y saglit
ka lamang na mawawaglit
mukhang hindi na babalik
hapdi ay hindi maikubli
[refrain]
tulad ka rin ba ng iba
hahayaan ka nalang
walang paalam, walang paalam
[chorus]
daraan ka lamang ba
iiwan mo rin lang nag-iisa
paano na ang tayo, binuo
ngunit ito’y unti unti nang naglalaho
maari bang manatili ka nalang
[verse]
buong akala’y hindi manhid
hindi man lamang tumingin
sadyang wala nang pagtingin
wala nang karamay sa dilim
[refrain]
tulad ka din ba ng iba?
aalis at mawawalang
walang paalam, walang paalam
[chorus]
daraan ka lamang ba?
iiwan mo rin lang nagiisa
paano na ang tayo, binuo
ngunit ito’y unti unti nang naglalaho
maari bang kalimutan na ang..
[bridge]
pagsasamang di’ binigyang halaga
tiwalang inalay, binalewala
naniwalang pagibig kailanman ay hindi na magwawakas pa
inibig kang tunay subali’t mali
maari bang dahan-dahanin mo’ng paglisan
[chorus]
daraan ka lamang ba?
iiwan mo rin lang nagiisa
paano na ang tayo, binuo
ngunit ito’y unti unti nang naglalaho
maari bang manatili ka na lang
(paano na, paano na)
kalimutan ka na lang
(paano na, paano na)
paano na ang tayo,binuo
ngunit ito’y unti unti nang naglalaho
maari ba
letras aleatórias
- letra de nouveau matrix - lord dyna
- letra de shuv - שוב - hava alberstein - חוה אלברשטיין
- letra de özümü tapdım - nazim faytonçu
- letra de хозяин (master) - ермак! (yermak!)
- letra de willy wonkas factory/legends (skit) - ynkeumalice
- letra de take your clothes off - dylan kai
- letra de bump this - sir soaked
- letra de suspend - the kairos (band)
- letra de blood rights - cherry bloom
- letra de calling my name - hex rated