
letra de reyunyon - ronnie lee (phl)
[verse 1]
o kay sarap balik-balikan
mga kuwento ng nakaraan
sisimulan sa kamustahan
susundan ng mga buskahan
punong puno ng alaskahan
paminsan ay magkapikunan
[verse 2]
iba-iba ang katayuan
may mayabang, may tahimik lang
mayro’n din namang sobrang bait
bumubuwelo at mangungutang
may sungay o santo’y nandiyan
kaibigan rin ang turingan
[chorus]
matagal nang hindi nagsasama
sabik na muli ay magkita
nag-aabang ng ibabalita
huy, eto na, may reyunyon na
eto na nga at maghahanda
‘wag mawawala, reyunyon na
[verse 3]
hindi pa nga rin mawawala
sa pulutan, siya ay masiba
bangka sa gabi maingay na
kalahating beer pa lang natungga
mauubos ang gabi sa atin
kailan kaya ito uulitin?
[chorus]
matagal nang hindi nagsasama
sabik na muli ay magkita
nag-aabang ng ibabalita
huy, eto na, may reyunyon na
eto na nga at maghahanda
‘wag mawawala, reyunyon na
[verse 4]
pagkatapos ng kwentuhan
pagkatapos ng tawanan
napikon sa alaskahan
sa huli ay magkaibigan
at muling mag-uuwian
‘di naman magkakaiwanan
[chorus]
matagal nang hindi nagsasama
sabik na muli ay magkita
nag-aabang ng ibabalita
huy, eto na, may reyunyon na
eto na nga at maghahanda
‘wag mawawala, reyunyon na
letras aleatórias
- letra de millins - junk science
- letra de the island - consider me dead
- letra de casse le schéma - keny arkana
- letra de rebel ii - mightynite
- letra de el compa tortillas - el tigrillo palma
- letra de kor vil du dra i dag - lars vaular
- letra de trzeci wymiar - trzeci wymiar
- letra de not losing the edge - cavalera conspiracy
- letra de giu - bondio_bbc
- letra de test product - cyle mckay-brown