
letra de wala namang gawa - ronald piñon
“puro salita, wala namang gawa!
nangangako lang pero wala sa gawa!
lahat ng sinabi, parang usok nawala
kelan pa ba tayo magigising, ha?!”
[verse 1]
“dati sabi nila, taas ang ekonomiya
ngayon puro utang, san na napunta?
buong bayan naghihirap, presyo taas taas
pero sa bulsa nila, laging may lagpas!
sahod di sapat, taas ng kuryente
kahit tubig mo, may dagdag na rente!
trapik sa kalsada, walang solusyon
pero sa bulsa ng buwaya, laging may komisyon!”
[verse 2]
“press con dito, press con doon
laging may drama pero walang aksyon!
sabi may ayuda, asan napunta?
nasa bulsa ng tropa, di mo ba kita?!
red tape sa papel, pila hanggang langit
pero sa vip, mabilis ang gamit!
serbisyong bulok, laging may aberya
pag di mo kakilala, swerte mo pa kaya?!”
[verse 3]
“sakay sa camera, laging nasa live
parang artista, puro lang vibe!
selfie dito, meeting doon
pero wala kang makitang solusyong buo!
sumbong ng tao, dinaan sa social media
kasi sa opisina, wala kang maabutan!
kung di trending, wala kang malasakit
pero sa eleksyon, biglang may yakap!”
[final verse}
“kalsada butas, ilaw wala
pero sa opisyal, bago ang kotse niya!
nakasakay sa yaman, habang gutom ang masa
ang pangako nila, parang bula nawala!
bakit gan’to? hanggang kailan?!
nakaupo lang sila, tayo ang pinahirapan!
dapat bang kimkimin? dapat bang tiisin?
o dapat na silang ilibing sa limot natin?!”
letras aleatórias
- letra de крила (wings) - артём лоик (artem loik)
- letra de triptych - goldmyth
- letra de that's when it hurts - the silvertones
- letra de слишком много крови (slishkom mnogo krovi) - grizzli zhaba
- letra de enveloped within a cocoon of human structure - hideous miscreation
- letra de loyalty - faryad
- letra de sylvia's suicide - mary dxrko
- letra de bot - freestyle elite agency (fea)
- letra de still - mon cher
- letra de ne vremia lubit - heat committee