letra de alaala ni batman - radioactive sago project
bale, 1986 no’ng una kong nakilala si batman
wala pang abs-cbn no’n
sa pa no’n e,
sikat pa si no’n eh
sabi ko, “sh-t, ang galing neto ah”
natulala ako no’ng una kong napanood si batman
“sh-t, ang galing nito”, sabi ko sa sarili ko
ang galing, galing, galing, galing ng itsura ni batman
parang kinatam ang mukha
ang galing ng costume, umuumbok ang dibdib pero hindi pa rin bakat ang utong
ang galing ng gadgets n’ya, ang gara ng kotse
ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-ingles
ang galing mangarate, actually, pulbos nga ‘yung lahat ng
kalaban n’ya eh
palagi ko s’yang pinapanood no’n tuwing hapon
palagi akong nakikipag-away sa katulong namin
dahil gusto niyang manood ng lotlot and friends at saka
pero ako, isa lang talaga’ng gusto kong panoorin
isa lang ‘yung idol na idol na idol na idol ko talaga
bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si batman no’n
‘di bale na si robin, ayoko si robin kasi parang bading
ano kaya’ng relasyon nila ni batman
pero, idol ko talaga si batman no’n
palagi ko siyang dino-drawing, palagi ko siyang ginag-ya
lahat ng bag-y na batman, gustung-gusto ko at meron ako
‘yung t-shirt ko batman, ‘yung lunch box ko batman
‘yung pencil case ko, ‘yung panyo, sumbrero
‘yung toothbrush, ‘yung brief ko, lahat ‘yon batman
mahal na mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami
palagi n’ya akong ibinibili ng mga batman na bag-y
pero minsan, gusto ko talaga ng batmobile na laruan
nagpabili ako sa kanya
sabi ko, ‘tay, bili mo naman ako ng batmobile o”
pero kakatanggal n’ya lang ata sa trabaho no’n at wala na
siyang pera
kaya gumawa na lang siya ng tarak-tarak na lata ng sardinas
at binutasan na lang at kinabitan ng tansan
at do’n ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal
at, at lumipas na nga ang mga taon
at si batman ay halos tuluyan nang naglaho mula sa aking alaala
ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan
alam kong naroon pa rin si batman
isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim
at misteryo sa loob ng aking utak at kuwarto
at mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin
nagulo na ang ikot ng mundo, k-mupas na ang kulay ng buhay
dumaan ang mga kasintahan, ang mga asawa
ang mga taong akala mo’y kaibigan pa rin ‘yun pala’y tarantado
kaya ng-yon, isang madilim na madilim na gabi
ako ay narito na sa tuktok ng isang mataas na mataas na building sa ayala
ang sarap ng hangin na umiihip-ihip sa aking kapa
nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga
kamay
malapit na akong lumipad, malapit na akong lumipad, malapit
na akong lumipad
lipad batman, lipad, lumipad ka, lumipad ka
lumipad ka papuntang langit, lumipad ka, lumipad ka
nakataas ang aking mga kamay, nakataas ang aking mga kamay
eh pero, bigla kong naisip, hindi naman pala lumilipad si
batman, ‘di ba
hindi naman pala lumilipad si batman
hindi naman pala lumilipad si batman kaya, paalam, malupit
na mundo
paalam, mahal
paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po
lolo sa tuhod, paalam po
lola sa siko, paalam po
bantay, paalam
muning, paalam
ewan ko kung sinong ‘papakain sa inyo
paalam po, aling tekla
paalam po, mang goryo
tsaka ko na lang po babayaran ‘yung sukang inutang ko sa ‘yo
paalam, junjun
paalam, bongbong
babay, rose, hoy, babay
babay pini
babay baby
babay pablo, asis, rastem, bj, jay, sige ‘yan
wowie, sige pare, pards, arwin, ingat kayo
sige paalam
letras aleatórias
- letra de slums - lonzo da menace
- letra de loos mina loos - liereliet
- letra de moneyman - grimm3r
- letra de john f. kennedy - lil man j
- letra de work of art - yung fazo
- letra de xuculatina - remix - figa flawas
- letra de wine & dine - ché noir
- letra de mp3 - sofian la légende
- letra de guillete 10k - urban92
- letra de taste - adamz estrella