letra de pahina - pricetagg
pahina lyrics
[verse 1: pricetagg]
naranasan mo na ba sa buhay ay malasin?
k-makalam sikmura at wala ka nang makain
sa usok ay sabog nilulunok na lang ‘yung hangin
at isipin na busog baka bukas mapapalarin
maalat ang diskarte kaya ulam tuyo at daing
mainit na kape sinasabaw ko pa sa kanin
nagtampo ‘ko sa bigas kaya walang masaing
ng-yon alam mo na ang sulat at ang sugat ko’y malalim
inisip lang pagsubok ‘to, hanggang kalian ‘to tatagal
hanggang daga sa’king dibdib unti-unting natatanggal
bakal na puso ko pano ‘ko magmamahal
natutulog ba ang diyos?
kaya pa’no ako magdadasal, yeah
bubuksan ko pintuan ng langit na sarado
hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado
akin na ang kontrata handa na ang lagda ko
sa’kin ang titulo ng hinahangad kong palasyo
[pre-chorus: jp bacallan]
sinimulan ko ‘to walang naniniwala
sa paligid ko, eh ano (eh ano?)
[chorus: jp bacallan]
susulatan ko lahat ang mga blankong pahina
at mas sisipagan ko pa (kahit maubusan pa ‘ko ng tinta)
susulatan ko lahat ang mga blangkong pahina
maubusan man ng hininga, ‘di na para ako ay tumigil pa
[verse 2: gloc 9]
subukan natin bumalik, sa bawat daan na matinik
kahit na hindi makahalik
maabot ka lamang ay palaging sabik na sabik
kami pailan-ilan noon, mga taga-igib sa balon
mababaw man o malalim, palarin man o malasin
ay nakahanda na tumalon sa bangin man o sa tulay
madilim at walang gabay, lahat ng bawal ay sinusuway
gabi na’y naghuhukay makita lang sa’king kamay
kahit maputik hatak sa lubid, laging uhaw at kulang sa tubig
kung may mali, sige, umulit
sa bagong papel pangarap mo’y iguhit
[pre-chorus: jp bacallan]
sinimulan ko ‘to walang naniniwala
sa paligid ko, eh ano? (eh ano?)
[chorus: jp bacallan]
susulatan ko lahat ang mga blankong pahina
at mas sisipagan ko pa (kahit maubusan pa ‘ko ng tinta)
susulatan ko lahat ang mga blangkong pahina
maubusan man ng hininga, ‘di na para ako ay tumigil pa
[verse 3: pricetagg]
naging bulag, pipi’t bingi sa payo ng iba
tinakwil na nga ‘ko ng aking ama’t ina
kausap ang sarili, sa’n ba ‘to mapupunta?
rehab, kulungan, kamatayan, mamili ka?
pero hindi, kailangan ko nang matakasan
at isulat sa papel lahat ng naranasan
nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran
ako ang francisco sa makabagong balagtasan
mga pikit ang pananaw, may araw akong titignan
tamis ng tagumpay, unti-unti ‘ko nang matitikman
nasa’n korona, ang ulo ko ay lalagyan
alam mong ikaw ay hari ng sarili mong kaharian
tawid dagat nilakbay ko kaya hindi na biro
madalasan din maiwanan ang aking anino
hanggang ang jomari ay pwede nang ihalubilo
sa marlon, aristotle, andrew, at kiko
[pre-chorus: jp bacallan]
sinimulan ko ‘to walang naniniwala
sa paligid ko, eh ano? (eh ano?)
[chorus: jp bacallan]
susulatan ko lahat ang mga blankong pahina
at mas sisipagan ko pa (kahit maubusan pa ‘ko ng tinta)
susulatan ko lahat ang mga blangkong pahina
maubusan man ng hininga, ‘di na para ako ay tumigil pa
letras aleatórias
- letra de bierliebe / outro - rynerrr
- letra de la gatta - róisín murphy
- letra de everytime you need me (jam x & de leon’s dumonde remix) - fragma
- letra de fuck what a nigga say - dirtbag
- letra de cruela cruel - walt disney records
- letra de good time holler - tyler wood
- letra de let's spend the night together (live 1973) - david bowie
- letra de infatuation - sharp/shock
- letra de when the eagle starts to fly (nexus of the world) - reggie watts
- letra de fuckboy - lost