letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de usap - palos (phl)

Loading...

[verse 1]
nasa gitna ng byahe no’ng
biglang tumunog ang aking telepono
may tumatawag sa’kin no’n
‘di nagtagal ang pandinig ko ay napuno
daming tanong
kung sasagot ako’y nababahalang may mayamot
tama bang akalaing ‘di kilala
ina ring tanyag na ‘di maabot
parang malalim
ating linawin
iwasan lang na magtaka
gagamit ka ba ng hagdan sa paglalakbay kung ang tahak mo ay pababa?
kahit walang bayad na magpasabay ng mga usapin siguraduhing ‘wag magpadala
nakaraming tala ng mga pinagkaguluhan nila ngunit nagbababala
alam mo bang ang paninirang puri ay
‘di lilikha ng mabuti?
sa pagmamarunong mo
isa ay sa sarili sya palang ikasisira ng marami
kaya hinay-hinay lang at isiping maigi
hindi pwedeng puro sige
sa iyong pag-abante, baka may madaling bato na syang magiging dahilan ng aksidente
pamamaraan na depensa ay nakadepende
lawakan ang diwa bago umatake
lahat ng ‘yong galaw ikaw ang syang magwawalis ng kalat kung sakali
darating ang panahon
‘wag sana sa’yo mangyari ‘yon
palagi may magbababa
kailangan lang na maangat ang ‘yong tugon!
[chorus]
usap dito, usap do’n (‘di mo sila makikita)
usap dito, usap do’n (marami ang naniniwala)
usap dito, usap do’n (magaling silang mandaya)
usap dito, usap do’n (‘wag magpakain sa drama)
usap dito, usap do’n (‘di mo sila makikita)
usap dito, usap do’n (marami ang naniniwala)
usap dito, usap do’n (magaling silang mandaya)
usap dito, usap do’n (‘wag magpakain sa drama)

[verse 2]
‘di naman ako baog
para mahirapan bumuo ng tunog
makita lang na kayang tumugon ng isip, pait man ang puhunan tungo sa pag-unlad, ‘di hangad ang palakpakan
usapan ma’y walang tiyak na lakad
sa putikan nakayapak at nakababad
tuloy sa usad kahit ‘di ko matanaw ang bunga ng pagpapagal, kapatid ko’y maliligaw, uh
pinatibay ang ugat nang hindi manghina sapagkat
[?] linya ng lahat, kailanma’y hindi na aangat
ngunit bakit mo hinihiling na makatapat?
‘di maaaring mabali
‘di lang sa hinang nayari
nagkamali ka ng sabi
‘di ‘yan sa bilang babase kundi pa’no ka pumalo sa tunog at magparami
oo ‘di ako magaling
laging [?] madaling magapi
sa kaunting sakit dadaing
nasa uri ng aking mga tagapakinig katiting
dati ‘yon, panahong sa kalye namalagi
nag-impok, at walang pasakalye namahagi
ibinuhos sa patimpalak
kahit na wala akong maiuwi maski batak
at ng-yon, sa laon ng aking paghihintay
natanggap ko ang tiwalang napakahirap ibig-y
paglingon ko sa aking likod ay tila hindi na makita ang nakasabay sa pila
inabangan ang pagkakataong ito
mga linyang nagbibig-y ng pagkakalito
habang ang mata sa langit, paa sa lupa
‘di ko ibig ay sinapit at sumagupa
[chorus]
usap dito, usap do’n (‘di mo sila makikita)
usap dito, usap do’n (marami ang naniniwala)
usap dito, usap do’n (magaling silang mandaya)
usap dito, usap do’n (‘wag magpakain sa drama)
usap dito, usap do’n (‘di mo sila makikita)
usap dito, usap do’n (marami ang naniniwala)
usap dito, usap do’n (magaling silang mandaya)
usap dito, usap do’n (‘wag magpakain sa drama)

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...