letra de gintong pagkakataon - numerhus & gloc-9
[intro]
[verse 1: numerhus]
parang gaserang sinindihan, inimbakan ng toneladang gaas aking dibdib
kapirasong liwanag lamang ang aking kailangan upang manatili na nakatindig
‘di man sigurado sa ’king mga lalakaran, papasukin ga’no man kaliblib
dala ko ay sako sakong dalangin sana makilala gamit mga awit na bitbit
naglaho na daanan pabalik
tanging ruta ko lang papanhik
maputol man ang kadena sa daan na matarik, itutulak ko ang pangarap, braso man ay manakit
balewala ang masasakit
salita labing walang arit
‘di mo pwede sukatin sa kung paano manamit
dahil ’pag nasa entablado, walang pwedeng kapalit
ika nga ni aris, dapat talon sa bangin
‘wag ka sa presyo tumingin, dapat palaging magaling
ululin ka man ng paligid, piliin mo na gawin
mahalaga ika’y naging at ‘di na lang sa salamin
umawit ang batang nilait, pero dahil abot langit
aking pangarap, ginamit ko na gasolina’y galit
para maka-andar, tila ba mekanikong walang piniling oras na magk-mpuni
aminadong mga banat, mala-tech, mala-gloc
dahilan kung bakit, kahit mabilis malaman
dapat kapag nasa mic ay, magaling, malakas
aking ginaganapan, kada saking palatak
‘wag kang papayag na hindi makalapag paa mo sa palapag
dapat lagi matatag, sa mga babalagbag
sa’yo na walang ambag
mga pampagana lang sa ‘yong paglalayag
kaya ang pagkakataong makasama ko si gloc sa isang kanta ay
isang karangalan, katuparan ng pangarap ng batang haragan nila kung tawagin
laging simula pa lamang ng paghakbang, kada sampa ko ng baitang
tinatawag ko na gintong pagkakataon, para atensyon ng marami mapasa’kin
[chorus:]
bakit hindi pa ngayon, baka wala ng kasunod
ayokong manatili na lang na taga-nood
gusto ko, ako ang nand’yan, nand’yan
gusto ko, nand’yan
ako ang nand’yan
gintong pagkakataon (sa t’wing nasa’king kamay, ang tinatawag na mic, para umawit ng live)
gintong pagkakataon (sa t’wing nasa’king kamay, ang tinatawag na mic, para umawit ng live)
[verse 2: gloc-9]
kung anong itinanim, ay s’ya rin ang aanihin
at ang hindi sa ‘yo, siguradong babawiin
‘wag mong pipitikin ang ‘di mo kayang baliin
kaibigan paka-tandaan mo ito
kayod ng buto sa kusina
gising ng maaga, para lamang k-mita
ayos lang kahit ika’y nagkakamali pa
lista lang sa tubig kung nagmamadali ka, tira lang ng tira
kahit na ‘di ka pang-number one
dapat dapat ay ‘lagi mong akyatin ang hagdan
ano mang galos ay ‘di ka tinatablan
‘wag mong pansinin ang kilos nila, ikaw ay naiiba
daganan ka man ng mga harang
ang makakapigil lamang alinlangan
na hindi mula sa ‘yong mga kalaban
at pana-panahon lang ‘yan kaibigan
napuna mo na ba, ika’y nabanaaganan
dinig ng mabuti, pinaliwanagan
nangarap, hinanap, at inalagaan
pasensya na, tangan-tangang hinabaan
pero huwag isipin na palagi mong makakamit ang mga tinaya
kasi hindi ito madali, kung mahina ang loob at
tinatalo ng kutob, huwag kang matakot sa kulog
at abangan mo na lamang ulit, ang mga k-midlat na pagkakataon
pagmamahal na tinuon, kahit na merong pagalit na tulong
ang iyong kakampi, sarili mo lang
walang hinihinging kapalit
[chorus:]
bakit hindi pa ngayon, baka wala ng kasunod
ayokong manatili na lang na taga-nood
gusto ko, ako ang nand’yan, nand’yan
gusto ko, nand’yan
ako ang nand’yan
gintong pagkakataon (sa t’wing nasa’king kamay, ang tinatawag na mic, para umawit ng live)
gintong pagkakataon (sa t’wing nasa’king kamay, ang tinatawag na mic, para umawit ng live)
[outro:]
sa t’wing nasa’king kamay, ang tinatawag na mic, para umawit ng live
sa t’wing nasa’king kamay, ang tinatawag na mic, para umawit ng live
letras aleatórias
- letra de cradle song - monikrr
- letra de twisted - hannah diamond
- letra de dreams will come - brendan james
- letra de bandolero - alex wolts
- letra de the journal - dcfromtheklan
- letra de little black box - brkn love
- letra de fuck the world - mr. mr. e
- letra de белый песок (white sand) - daybe & лялька (lyalka)
- letra de 19 skit - lemood
- letra de dirty window (live - phoenix 09.09.23) - metallica (live)