letra de sana - november iv
bakit ba ganito kapag ikay kaharap
tila ba nawawala tulala pag ikay kasama
nakangiti ka lang pero puso’y nag lala-lakbay
di masabi itinatago baka ako’y sumablay
nakikita kitang masaya
may kasama kang iba
pero sana ako na lang
ang kapiling mong tunay sinta
kung maririnig mo lang sigaw ng aking damdamin
tatanggapin mo ba? o tatanggihan mo rin?
nahuhulog na sa’yo pero dahan-dahan lang ako
di pa panahon kaya’t naghihintay
hanggang piliin mo ako
ang dami ng salitang nakulong sa aking isipan
bawat araw sinusubukang sambitin ang nararamdaman
ngunit heto pa rin halos di mapigilan ng damdamin
habang unti-unti i-nana-angkin ka sa aking paningin
nakikita kitang masaya
kahit ako’y nasa gilid lang
ngunit ang pag-ibig kong ito
di papayag na maglaho lang
kung maririnig mo lang sigaw ng aking damdamin
tatanggapin mo ba? o tatanggihan mo rin
nahuhulog na sa’yo pero dahan-dahan lang ako
di pa panahon kaya’t naghihintay
hanggang piliin mo ako
paano kung sabihin ko ikaw lang ang hinahanap?
paano kung malaman mong ikaw ang aking pangarap?
baka ako masaktan at mawala na sa bilang
ngunit baka rin ito na ang simula ng ating kwento at pagmamahalan
kung maririnig mo lang sigaw ng aking damdamin
sana’y yakapin mo at maging akin ka na rin
nahuhulog na sa’yo pero dahan-dahan lang ako
baka bukas, baka ngayon
baka sa tamang panahon
sa tamang oras ko
ikaw at ako
letras aleatórias
- letra de dirty izy - diomay & rma2n
- letra de guillotine - distcancer
- letra de hopeless romantic - izabella fajardo
- letra de 100 years - john michael howell
- letra de kangoo - baby cashy (arg)
- letra de eye to eye - gallus (band)
- letra de hellbound and down - todd la torre
- letra de un disparo más (que los demás) - alicia ramos
- letra de tinen lanmauryl - maurane voyer
- letra de adios - mac j & bris