
letra de jamsimanyo - ney dimaculangan
[intro]
잠시만요
잠시만요
[verse 1]
sa ingay ng mundo, ako’y nalulunod
laging hinahabol ng oras na kay bilis
kaya ngayong gabi, layuan muna sandali
takasan natin ang gulo, lumipad nang malayo, oh
[pre-chorus]
hawakan ang kamay ko
‘wag kang bibitaw
basta’t ikaw ang kasama, ako’y masaya na
sa ilalim ng tala tayo, tayo’y mawawala
[chorus]
sandali lang, limutin ang mundo, oh
isayaw sa hangin ang tibok ng ‘yong puso, oh
sandali lang, hayaan ang damdamin
sa bawat paghinga, may liwanag na darating
[verse 2]
sa ilalim ng buwan, walang humahatol (humahatol)
pumikit ka lang, sumabay ka sa alon (sumabay ka sa alon)
dadalhin kita sa paraisong atin (masaya, mapayapa)
kung saan ang pangarap ay kayang abutin
[pre-chorus]
hawakan ang kamay ko
‘wag kang bibitaw
basta’t ikaw ang kasama, malaya
sa ilalim ng tala tayo, tayo’y mawawala
[chorus]
sandali lang, limutin ang mundo, oh
isayaw sa hangin ang tibok ng ‘yong puso, oh
sandali lang, hayaan ang damdamin (hayaan ang damdamin)
sa bawat paghinga, may liwanag na darating
[bridge]
hindi kailangang magmadali
pahinga muna sandali
sa yakap ng gabi
tayo’y malaya, tayo’y malaya
[outro]
sandali lang
letras aleatórias
- letra de senyum - raihan
- letra de song of moshiach - shloime gertner
- letra de avaruusnalle - juju
- letra de the hunter - red hot chili peppers
- letra de same hoes - silent but deadly
- letra de i have a dream - amanda seyfried
- letra de i omorfia stin athina - natassa bofiliou
- letra de intro (blow your mind) - logic
- letra de old school back - blushhh music
- letra de te necesito - native worship