letra de sumayaw sa indak - nadine lustre
indak, sumayaw, sumabay ka sa agos
gumalaw na parang araw ay hindi natatapos
lumabas sa kadena ng mga pagkakagapos
abutin ang pangarap, isigaw hanggang sa mamaos
wooh! ilabas yung malupit
na parang hanging dumarating at humahagupit
igalaw ang katawan na para ka lang nangungulit
kapag napagod, pahinga tapos sumayaw ka ulit
sa kaliwa o sa kanan o kahit saan
sa kanya ang mga harang nagagawan ng paraan
taga-probinsya man, lahat kayang galawan
kahit anong entablado kayang-kayang sayawan
basta walang ayawan, lagi mong tatandaan
nag-iisa lang ang puso na dapat pakinggan
umindak, gumalaw, sige lang, sumayaw
sabay-sabay na sumigaw, luzon, visayas, mindanao
umindak gumalaw at sumayaw
sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
umindak gumalaw at sumayaw
sundin mo ang pusong sumisigaw
indak ooh oh
indak ooh oh
indak ooh oh
‘wag kang bibitaw
indak ooh oh
indak ooh oh
indak ooh oh
ikaw ay sumigaw
“nakakahiya
bakit siya sumasayaw dyan sa gitna
tignan n’yo itsura, mukhang loyal sa sayaw
pero nung gumalaw, wow
mga paa’y panay kaliwa”
at marami pang ibang ‘di magandang salita
ang mababasa sa komento
kesyo,”ba’t sumayaw sa gitna ng tren ‘to
walang kwenta”, pero ‘di nila alam ang kwento
pauwi ako n’yan sa ‘min
maghapong naghanap ng trabaho
kung saan-saan ako nanggaling
b-mabyahe nang mapalapit sa malayo
kaso ‘di ko naabot
sa video na ‘yan ay malapit na ’ko umiyak
pero biglang may nagpatugtog ng awit
at ang sabi’y sa kabiguan ay huwag masindak
kaya ayon, ako’y napaindak
umindak, gumalaw at sumayaw
sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
umindak, gumalaw at sumayaw
sundin mo ang pusong sumisigaw
indak ooh oh
indak ooh oh
indak ooh oh
‘wag kang bibitaw
indak ooh oh
indak ooh oh
indak ooh oh
ikaw ay sumigaw
umindak. gumalaw at sumayaw
sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
umindak, gumalaw at sumayaw
sundin mo ang pusong sumisigaw
indak ooh oh
indak ooh oh
indak ooh oh
‘wag kang bibitaw
indak ooh oh
indak ooh oh
indak ooh oh
ikaw ay sumigaw
letras aleatórias
- letra de não é uma escolha - luccas carlos
- letra de dead by now - eklavya kaushal
- letra de who will survive and what will be left of them - trainwreck (ger)
- letra de our house - diy bandits
- letra de break the rules - tee jewel
- letra de beras lawas - vita alvia
- letra de butter - luis (deu)
- letra de as time goes by - cyndi wang (王心凌)
- letra de prince of hell - cloven altar
- letra de koştur durma - nejat yavaşoğulları