letra de awit ng mga naiwan - live - mula sa buwan
[verse 1: roxane]
ang irog ko’y lumisan na ‘di nagpaalam
tila ibon papalayong lumipad
ng-yo’y nangungulila, kan’yang dating tahanan
pinangakuang dilag
[verse 2: roxane & female company]
nasa’n ang pag-ibig na minsa’y inialay
sumpa niya’y tunay at wagas
pilit ko mang limutin ang kan’yang alaala
sa bawat patak ng luha’y bumabalik s’ya
[verse 3: roxane & female company]
pag-ibig niya’y nadarama
ang tinig niya’y naririnig pa kahit na umiidlip na
tinatawag ang ngalan mo sa tuwina
[verse 4: roxane & female company]
o irog ko’y babalik ba?
laging nakikita’t ginugunita kahit ‘di na sadya
larawan niya’y ipininta sa tuwina
[verse 5: female company]
hindi malilimutan ang aming sumpaan
pumanaw man sa daigdig (sa daigdig)
saan ka man abutin, o ibong lumaya
pag-ibig ko’y iyong dinggin
[outro: roxane & female company]
kung ‘di na mababalik sa ‘yong tahanan
pintuan ay ipipinid
(ahhh) laging sasariwain ang kan’yang alaala
ang minsan mong inibig, naghihintay
letras aleatórias
- letra de ohio - uzi (gab3 & mik3)
- letra de my favourite place - uncreated
- letra de split up - hλl
- letra de hương tết - tây giang
- letra de i’m sorry - yesify
- letra de köprü ortasında - erdem akın
- letra de support system - nate curry
- letra de she swallowed my kids - yung hornydaddy
- letra de on god - lil pump
- letra de like that - dreamcache