
letra de hanggang sa magsawa - mrld
[verse 1]
pwede bang itigil ang pag-ikot ng mundo?
hahanapin lang ang ‘di ko kayang mabuong
piyesa na ikaw ang tinatanging karugtong
ngunit wala ka na
[verse 2]
bakit mo iniwan ang sinimulan muli?
pangalaw-ng beses na nga
ngunit mali pa rin
binigay lahat ngunit lahat ay ‘di sapat sa isang tulad mo
[chorus]
ilang beses pang masaktan
‘di magdadalaw-ng isip na
buksan aking pintuan
hanggang sa magsawa
at kung ‘di man kayanin
handang maging alipin
doble man ang sakit
ayos lang hanggang sa magsawa
[verse 3]
bakit mo tinago ang lahat ng nangyari?
lilitaw ang totoo, ‘wag kang magkunwari
na ako ang nang-iwan, kasi ang totoo naman
may minahal kang iba
[verse 4]
ngunit binigay mo lamang sa akin ang pagdudusa
habang ika’y ngumingiti kasama ang iba
ako’y umiiyak sa tuwing sumapit ang gabi
habang ika’y nakakatulog na nang mahimbing
[chorus]
ilang beses pang masaktan
‘di magdadalaw-ng isip na
buksan aking pintuan
hanggang sa magsawa
at kung ‘di man kayanin
handang maging alipin
doble man ang sakit
ayos lang hanggang sa magsawa
[bridge]
mahal mo ba talaga ako?
o mahal na lang?
kasi ‘di mo masabi ang totoo
na kinain ka na ng lungkot
at ako ang ginamit mo
mahal mo ba talaga ako?
o mahal na lang?
kase ‘di mo maamin ang totoo
na kinain ka na ng lungkot
at ako ang ginamit mo
[refrain]
para ngumiti ka nang saglit lang
para sumaya ka nang saglit lang
para mahalin mo nang saglit lang
ako ba talaga ay pang “saglit” lang?
[chorus]
ilang beses pang masaktan
‘di magdadalaw-ng isip na
buksan aking pintuan
hanggang sa magsawa
[outro]
at kung ‘di man kayanin
handang maging alipin
doble man ang sakit
ayos lang kahit ‘di ka na babalik
ayos lang hanggang sa magsawa
ako rin ay magsawa
sana
letras aleatórias
- letra de 10 foreign bih remastered - trilllafreak
- letra de overlook - ryan kyle
- letra de mon temps - kosei
- letra de woman of ur dreams - pansy
- letra de 140 km/h - cortellino
- letra de crash the party - rick cua
- letra de game over - sl!ck
- letra de killjoy - worriers
- letra de 幸せ (shiawase) - back number
- letra de happy birthday - back number