letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de taglagas ng panaginip #2 - moon spirit

Loading...

nakita ko ang bagong buwan
sa isang salamin sa aking panaginip
hindi ba siya ang tulpa
na binuhay mo noong iyong kabataan?
nakakain na ba siya?
ano ang kanyang dasal?
tingnan mo! k-mikislap siya!
ako’y lumipad patungo sa kanya
sa ibabaw ng mga nasusunog na siyudad
sa ibabaw ng mga dagat na tumataas
ito na ba ang taglagas

sa gitna ng siyudad na nasusunog
ay may lalaki
namumula ang mata sa puyat
at ang pamilya’y lumisan
dito ako dinala ng buwan
binulong niya sa akin ang kanyang pagibig
ipinakita niya ang mga drawing ng iyong mukha
ang dagat ay tumaas pa lalo
k-mikislap pa rin ang mga siyudad
may nagugutom, may tumatawa
may pumapatay, may bumibili
may nalulunod, may umiinom

sa lahat ng dapuan ng aking mata
ang taglagas, ang taglagas

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...