
letra de bandaid - moira dela torre
[verse 1]
alas-kwatro pa ng umaga, dito pa rin, tulala
nalulunod lang sa alaala, pero wala namang magawa
kahit ipikit mga mata, memoryado pa rin ang iyong mukha
nung sabi mo sa’kin, “‘di na uulitin” at ‘di mo naman sinasadya
[chorus]
‘di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin
‘di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin
nandito ka nga sa’king tabi, pero nakaguhit ang ngiti
ang sugat ba’y gumagaling
o natututo lang ba tayong magkunwari?
[verse 2]
pa’no ko ba malalaman kung tama ba’ng ginagawa?
dami namang natutunan, hindi lang ang maging masaya
kahit ipikit mga mata, memoryado pa rin ang nagawa
umaasa na lang na balang-araw ma-matutuyo rin ang luha
[chorus]
‘di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin
‘di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin
nandito ka nga sa’king tabi, pero nakaguhit ang ngiti
ang sugat ba’y gumagaling
o natututo lang ba tayong magkunwari?
[bridge]
‘di ko alam kung pa’no makakausad dito?
‘pag tumingin pa sa malayo, para bang gustong maglaho
ikakasama ko pa ba kung gusto ulit magsimula
nawawalan na ng pag-asa, kasalanan bang lumaya?
[chorus]
‘di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin
‘di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin
nandito ka nga sa’king tabi, pero nakaguhit ang ngiti
ang sugat ba’y gumagaling
o natututo lang ba tayong magkunwari?
letras aleatórias
- letra de hate 2 see it go to waste - shy high
- letra de remember to breathe - gabrielle shonk
- letra de neverland - lawfulgoof
- letra de concreto - 2021 rework - hheennrrii
- letra de camouflaged - hxlx
- letra de shoot - star goodkid
- letra de intro - neo
- letra de o my blacke soule - juliana hall
- letra de slow kill - diamond chanell
- letra de kelamal kaiyile - a.r. rahman