letra de arwarw - migo señires
[verse 1]
sa kama nadama na, malapit na pala, sumikat at maramdaman ang haring araw
tumama sa mata at di makapaniwalang heto na, sapagkat ang antok ay naguumapaw
nag unat ng buto, tumayo, at sa di kalayuan may anino na sa mata ay umagaw
napukaw ang binata’t bahagyang napasilip sa bintana’t di ko inakalang
gaganahan uhh.. sa halip ay, atat nang ilabas ang pagkamamaw
sandali pa at malapit ng.. maabot ang tuktok at paypayan ng anahaw
dali daling nagbihis at humalik sa asawa at nag bilin na sya’y intayin
pag uwi ay isasalin mo saakin ang pag ibig na agad mapawi aking pighating.. naipon sa mag araw
trabaho at mga pangakong napako sa kurs
pawis ka na agad paglabas pa lng ng bahay, pag sakay ay makikipag habulan ka pa sa bus
ganun ba talaga? mabuti na lang ay.. marami syang pabaon na halik at mga yakap
madalas paglabas pa lang ng aming bahay ay gusto nang bumalik sa mga matamis mong balak
ma-papasigaw ka na lang ng dyos ko po dahil gusto mo ang mga sunod sunod na pangyayari
ayomo ihinto, ang bersikolo ng buhay mong ito, kung saan ikaw at sya ang nag hahari
minsan magulo at malilito ka na parang hindi mo mawari
ganyan lang talaga ang mundo, mas masaya ito lalo kapag ganado ka lahat sayo ay yari uhh!
[pre-chorus]
salamat! salamat! salamat! salamat!
salamat sayo at tinakpan mong lahat ng lamat! 2x
[chorus]
di ko paminsan maintindihan
timpla ng buhay natin nga ay sadyang hindi alam
agham, minsan matamis minsan maanghang
sigla at kulay ng ating buhay nag dedepende sa naka akbay sayo
[verse 2]
sayo? sino ba ito? swerte nga ba ang tawag sa ganto?
nakita’t nahimlay ang taglay na lig-ya na big-y ng asawa mong nakasaklay sayo, magkasabay ninyong
tatahakin, sa huli pag papalarin sa karerang tinatawag mong mundo
at sasabay kayo sa ihip ng hangin habang nan-n-langin sa panginoon, nagumpisa pa nuon
tayong dalawa pa lang ay nag liligawan
nakita ko sayo kung ano ang mga kahinaan kong napakadali mong pinunan.. at sa ating kopunan
maraming pag babagong mangyayari, basta lagi mong tatandaan
na ang lahat ng ito ay pagsubok lang, nasa sulok ang kasagutan sa mga katanungan na marami
maaaring ito ang dahilan at ako’y nakipag sapalaran
sa mundong magulo, pero di ako t-tigil bagkos mang gigigil lalong maabot aking pangarap
na gumawa ng mga bagong panglaban, sa kabilang banda ng mga ahas sa hagdanan
ay gusto mong tumawid, pero di mo namalayang mayrong nais ibatid sayo ang yong kalaban
yun ay, para paalala, sa iyo na ang buhay natin ay bilog
kailangan mong matutong magtiis, di mo pwedeng mainis, ang kailangan sa larangan ay palagi kang libog
sayong hilig, sumabay ka lang sa agos at sa himig
ng musika at hangin sa paligid
pag kasama ka o ang sarap sa piling
uhh pag-ibig, pag-ibig
[chorus]
di ko paminsan maintindihan
timpla ng buhay natin nga ay sadyang hindi alam
agham, minsan matamis minsan maanghang
sigla at kulay ng ating buhay nag dedepende sa naka akbay sayo
letras aleatórias
- letra de o2xgen -ways (prod. by lavish) - o2xgen
- letra de doin it right (l'albatro punk) - rancore & dj myke
- letra de blues del camarero - hombres g
- letra de wednesday (hoes) - nofridayy
- letra de obvious like gravity - late tuesday
- letra de work is a state function - paloma r
- letra de casa limpia - los buenos modales
- letra de atlantide - auroregz
- letra de rei ele é - lauriete
- letra de 20 schritte freiheit (teil 1) - samsas traum