letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de salamat - lonerd

Loading...

[verse1]
ilang beses kang tinalikuran
ilang beses kang tinakbuhan
sa kasalanan ‘di ako makaahon
sinayang binig-y mong pagkakataon

apat na taong nagpakulong
kasinungalingan na laging bumubulong
mga kahapong nasa loob lang ng kahon
hinanap ang sarili ng ilang taon (taon)

malawak na espasyo unting sumisikip
halakhak ng kapitbahay ‘di ko gustong marinig
kung ano-ano nalang ang laman ng isip
sumasabay na nga ang aking bibig

tiyansa kong mabuhay ay lumiliit
ang alam ko lang sa patalim ay k-mapit
marami ang tanong nagsimula lahat sa bakit
bakit, ang pangit ba’t ganito aking sinapit

takbo ng utak alam kong hindi na normal
sumbat ng isip wala sa’king nagmahal
naririnig na mga tawa ng ‘di ko nakikita
ang pag-iisip ay pasok paba sa tama?
[chorus]
‘di matutumbasan ng pasasalamat
pag-ibig mong bukod tangi sa lahat
‘di man ako karapatdapat
minahal mo parin ako at tinanggap

[verse2]
tinalikdan at pinagtawanan
ng mga taong kala ko’y tunay na kaibigan
paano ko nga ba ito matatakasan?
subukan kayang k-mapit sayo ng walang atrasan

nakakabinging katahimikan
sa pagitan ng pagtatalo ng puso’t isipan
malulubhang sugat ng nakaraan
tinatakpan ang butas ng kakulangan

masakit na salitang tumatak sa bunbunan
‘di ko pinangarap madala sa libingan
inakala na, lahat na ang nang iwan
nandyan ka lang pala tunay kong kaibigan

salamat sa pag sagot ng aking mga tanong
at sa tiyansang binig-y opang ako’y makabangon
inahon mo sa malalim na balon
ang dating nilamon puno ng pagpapala’t biyaya ng-yon
[chorus]
‘di matutumbasan ng pasasalamat
pag-ibig mong bukod tangi sa lahat
‘di man ako karapat-dapat
minahal mo parin ako at tinanggap .

[verse3]
kung dati pilit kong niloko ang sarili
ayos ang lahat yan makikita sa ngiti
ng-yo’y wala ng tinatagong pighati
bigat at pasakit ay kanya ng pinawi

araw man o ulan tuloy sa paglalakad
hakbang na pinili tungo sa reyalidad
pinatawad mo sa lahat ng kamalian
kasalanan pati na mga pagkukulang

tunay ka ngang gabay ng mga taong naligaw
salamat sa pagdinig ng aking mga sigaw
dating ‘di makagalaw na para bang natutunaw
pagpupuri’t pagsamba sinabayan ng pagsayaw

sayo isinuko ang buhay na magulo
hinango mo ang mga kasalanan ko
nilinis katauhan ko’t ginawa mong bago
lahat ng pagpuri ay karapatdapat sa iyo
[chorus]
‘di matutumbasan ng pasasalamat
pag-ibig mong bukod tangi sa lahat
‘di man ako karapat-dapat
minahal mo parin ako at tinanggap .

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...