letra de kahon - kyle anunciacion
galak ang tanging nadarama sa tuwing aking bubuksan
ang patong-patong na kahong big-y
laman ay ang mga yakap at halik ninyong naipon
sa matagal-tagal na panahong
ako’y naghihintay na makapiling sa pagbabalik
at maibsan ng pananabik na nadarama ng paslit
habang kapit ang gunting
ay unti-unting nagbabalik
mga alaala
ngiti ng kahapon, higpit ng bisig
sa aking paggupit
ay dahan-dahang nabubuksan
ang laman ay laruan
lig-yang hatid sa tuwing may darating na kahon
agwat kilo-kilometro ang agwat ng pangungulila
at may lawak ng karagatan
ay tinig tila kay lapit-lapit kahit malayo
kayo ay parang nadirito na rin
ako’y naghihintay na makapiling sa pagbabalik
at maibsan ang pananabik na nadarama ng paslit
habang kapit ang gunting
ay unti-unting nagbabalik
mga alaala
ngiti ng kahapon, higpit ng bisig
sa aking paggupit
ay dahan-dahang nabubuksan
ang laman, larawan
lig-yang hatid sa tuwing darating ang kahon
hinehele-hele pa ninyo noon
kahit may pangamba
at pag-aalala
sa paglayo
tila lang nahihimbing
sa likod ng salimin
at ang tahimik ng lahat
sa bawat
pagdapo ng paruparo sa bulaklak
aking kapit nang mahigpit
‘di mabitawan kahit ‘sang saglit
larawan at laruan
‘di ko na mayayakap
laman ng huling kahon
letras aleatórias
- letra de different - king wel
- letra de impossible objects of desire - fujiya & miyagi
- letra de clara luz - cynthia luz, clara lima & nissin
- letra de la candelosa - los hermanos rosario
- letra de call provolone - benny troung
- letra de obstacles - capital high east
- letra de la tua faccia migliore - pierangelo bertoli
- letra de the 2 of us - moto boy
- letra de inevitable conclusion - makeunder
- letra de prologue of the last dark age - ankhy