letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de distansya - kolateral

Loading...

[phone ringing]

[berso 1]
h-llo?
anak
naknakan ng pait
pagtiis sa amo ko na malupit, mapangiit
na para lang sa ‘yo
mabayaran para sa ‘ting hiwalayan
kaling-yan alagaan ang pamilyang ‘di pamilya ko
kahit maghalo pa’ng balat sa tinalupan
basta’t may patutunguhan ang katas ng pawis at dugo
sana ‘wag mo sinasayang
sana ‘wag mo hahayaang lumaking katulad ko
ang ‘sang katulad mo
‘di malimutang mga luha mo
gapos ng iyong munting braso sa aking binti
pinipigil ang higi [?]
hinihilang ‘wag na lumayo
‘di mabubura sa bangungot ko
ang tanong sa’yong mata
sino nang mat-tira? may nagawa bang masama?
ba’t kailangan mang-abandona?
oo
iniwan ka ng iyong ama
pero kailanman‚ hindi ng iyong ina
pangakong ito ay pansamantala
uuwi ako agad
na nangis ka’t nakikiusap
‘wag ka sumalangit‚ dito ka lang sa lupa
para ‘to sa ‘yo‚ kaya paalam na

[koro]
para sa pangarap na ginhawa
tiniis ko itong distansya
na kung sa gabi makatulog kayo
mainit na pagkain sa lamesa
sakripisyong tiniis na hindi kayo kasama
‘musta na kayo? ‘musta na kayo?
‘musta na kayo? ‘musta na kayo?
(anak? anak? musta na kayo?)

[berso 2]
anong pinagkaiba nang mapagsamantalahan dito at diyan?
dito, may sweldo
gusto ko nang umuwi pero ‘di mabuti balita sa amin
kailan darating pagbabago?
kamusta na, anak? kamusta pag-aaral?
kamusta si bunso? bakit tila tumutumal
tila tumatamlay tawagan natin at pag-uusap
‘wag nang magtampo‚ please, parang awa, pakiusap
anong bago‚ anak? naku, mag-ingat ka diyan
balita ko sa atin may tinira na naman
anak, andiyan ka pa ba?
wag mo please sabihin na wala ka na
b-malik sa sahig para pakawalan ng amo
lumipad, libing mo, dinatnan
di ‘to pagbabagong nais ko uwian
paano naging tulak ang may kapansanan?
yayakapin kita kahit duguan ka pa
tulad ng ika’y bagong silang ko pa lang
hugas-kamay silang nagsasabi
na binoto ko ‘to, wala nang bawian

[koro]
para sa pangarap na ginhawa
tiniis ko itong distansya
na kung sa gabi makatulog kayo
mainit na pagkain sa lamesa
sakripisyong tiniis na hindi kayo kasama
‘musta na kayo? ‘musta na kayo? (para sa ginhawa)
‘musta na kayo? ‘musta na kayo?

[outro]
musta na?
maayos pa ba ang buhay natin?
buhay pa ba?
buhay pa ba? (para sa ginhawa)
buhay pa ba?
kamusta na?

para sa ginhawa x3

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...