letra de sa isang kisap - klarisse
[verse 1]
parang kanina, sabay pang tumawa
ngayon biglang paalam na
parte na lang ng alaala
bawat sulok ng kuwarto
may iiwanang kuwento
at ‘pag tinawag nang pangalan
alam nang susundan
[chorus]
sa isang kisapmata, nagbago, nag-iba
sa tahanan nating ‘to
saglit tumigil ang mundo
sa isang kisapmata, nagbiro ang tadhana
kayakap lang kita
at nawala, nawala sa isang kisapmata
[verse 2]
laging naririnig pa rin
usapan, tawanan natin
sikretong nalaman
walang pagsasabihan
pikit muna sa dapithapon
bukas muli ay babangon
kahit minsan nawawalan ng direksyon
[chorus]
sa isang kisapmata, nagbago, nag-iba
‘di ko inaasahan ‘to
saglit tumigil ang mundo
sa isang kisapmata, nagbiro ang tadhana
anong bigat man ng dala’y mawawala
mawawala sa isang kisapmata
ha, ah
[bridge]
kaya aking susulitin
ang bawat ngayon natin
bawat yakap, bawat sandali
hindi basta palilipasin
ngayong ika’y kapiling
‘yan lang munang iisipin
[chorus]
sa isang kisapmata, nagbago, nag-iba
‘di ko inaasahan ‘to
saglit tumigil ang mundo
sa isang kisapmata, nagbiro ang tadhana
kayakap lang kita
at nawala, nawala sa isang kisapmata
[outro]
may magbabalik
at may mawawala
nawala sa isang kisap
letras aleatórias
- letra de london, tokyo - savine warmelink
- letra de outline - pet needs
- letra de evolution - ice c.r.e.a.m. bundy
- letra de wo sind die kinder - perverz (mc)
- letra de closer - vaultboy
- letra de guje iz oluje | na mapi rap session #013 - ispod nule
- letra de внедорожник (off-road vehicle) - ленинград (leningrad)
- letra de hospício dos guri - patolino jucelino
- letra de speak on em - drose (nj)
- letra de тупой (stupid) - eversens