letra de kamao ng kankaloo - kjah
[verse 1]
bitbit ko ang hiwaga na nag dadala ng tama
eroplano ng isip karwahe ng talata
mapangminsala
laman ng pagsasalita
takpan mo ang tenga nang hindi na ako magkasala
lalo na, kung iba ang iyong paniniwala
ang paborito biktima ng aking salamangka
gusto mong sumama?
k-mapit ka ng mahigpit
tuturo ko sayo kung paano mo sya madadaig
unang-una ang pag lusob dapat wag mong ipilit
aralin ng tahimik maging matinik kang mag masid
bulagain silang hindi ka lang umidlip sa silid
tiniis mo ang init matutunan lang s’yang iligpit
wag ma-bwisit, kung may katagalan ang iyong premyo
hindi ka alat m-n-lo sa dwelo
silang mga tumaliwas noon
ang pasimuno mang inganyo
makinig sa kamao ng kankaloo
na nag sasabing
[pre-chorus]
tandaan mo ‘to
[chorus]
hindi mo ko matitiis
hindi mo ko matitiis
(handa kong (?))
hindi, hindi mo ko matitiis
hindi mo ko matitiis na hindi pakinggan
[verse 2]
hindi porket gising magdamag may bawal na gamot
may sangkalan ang mata kaya hindi makatulog
‘di matatawag na dugyot, kung marumi na ang suot
may tinta ang kamay kaya di ako makapagkusot
k-makalam ang tyan, bituka walang laman
hinahatiran ng rasyon ipinamamahagi ko lang
gutom na gutom ako
busog ang pagbibigyan
wag ipagdamot ang putahing di pa nya na titikman
tingin mo sa ‘kin ay kawawa pag ako’y nakayuko
nakabantay ako sa lupa baka madapa ka po
paminsan-minsan ang binabastos ay s’yang gumagalang
ang na pili galangin sila yung walang pakundangan
di bumase sa pustura, bagkus nagpaka pulido
ang pinormahan ko’t pinaangas ay aking
konsepto
pilak na sana ay na sa ngipin, sa bawat butil
‘di na nga maisalpak sa talas daw ng aking pangil
[pre-chorus]
tandaan mo ‘to
[chorus]
hindi mo ko matitiis
hindi mo ko matitiis
(handa kong (?))
hindi, hindi mo ko matitiis
hindi mo ko matitiis na hindi pakinggan
[verse 3]
bente-kwatro ang edad ng salarin
wala kang makikitang tulad ko sa camarin
iyong alamin
na kahit gustohin may bag-y pa silang dapat unahin
iyon ang aming mahahain, hindi ko pinansin
sapagkat sinuwerte ang aking ama
todo suporta naman aking ina
mabigat ang dala
dahil ang g-ya kong may pagkakataon
dapat mapatunayan ko na kaya kong mag baon ng kahit sino
kahit taga saan at hindi salapi ang sinasandigan
wala sa estado ng buhay ang husay pag pinaghirapan
kinilala ko lahat ng alamat
isinabuhay ang katotohanan
kapalit ng hangarin na pagsubok na hindi ko sana mararanasan
ano pa ang iyong itunutunganga isang gigil na taga hanga
tumayo ka at ipamahagi ang inilimbag kong balita
walang hari o alila
sa prinsipyong hindi masira
na sayong desisyon ang hudyat upang matawag kang pambihira
wag magpakasiga
[pre-chorus]
tandaan mo ‘to
[outro]
hindi mo ko matitiis
hindi mo ko matitiis
(handa kong (?))
hindi, hindi mo ko matitiis
hindi mo ko matitiis na hindi pakinggan
hindi mo ko matitis
hindi mo ko matitiis na hindi paki-
hindi mo ko matitis
hindi mo ko matitiis na hindi pakinggan
letras aleatórias
- letra de lluvias de kerala - cecuas
- letra de coco - yungseh
- letra de choppa rain - blaccmass
- letra de no rebirth - madnes_one
- letra de palafita - mariana volker
- letra de farewell, the birds have stopped singing - current 93
- letra de weakness - extirpation
- letra de girl like you - todd barrow
- letra de ángel - vassa
- letra de ei keegi - pluuto