
letra de ako na lang ulit - kian dionisio
[verse 1]
akala ko kasi kailangan natin ‘to
ang mag-isip-isip habang tayo’y magkalayo
ngunit ‘di man lang naisip at ‘di naintindihan
na mas maayos ang lahat kung ikaw ay nariyan
[verse 2]
kaya’t ngayo’y nagsisisi sa bawat nasambit
at hiling sa maykapal, sana ikaw ay magbalik
ngunit mayro’n na ngang ibang mahal ang puso mo
ngunit sana ay bigyan ng oras para masabi ko
[chorus]
baka puwedeng ako na lang ulit
ako na lang ulit
pasensiya na kung makulit
pangakong ‘di na mauulit
ako na lang ulit
huwag ka na sanang magalit
dahil lahat ay gagawin
upang ang puso mo’y mapilit
[verse 3]
bawat luhang pumatak ay hindi ko ginusto
akala ko’y makakabuti pa ang aking paglayo
ngunit hirap gumising sa umagang hindi ka kaharap
at tingnan ang bukas ko na hindi ikaw ang kayakap
[chorus]
baka puwedeng ako na lang ulit
ako na lang ulit
pasensiya na kung makulit
pangakong ‘di na mauulit
ako na lang ulit
huwag ka na sanang magalit
dahil lahat ay gagawin
upang ang puso mo’y mapilit
dahil ikaw lang talaga
at wala nang iba
kaya’t sige na, baka puwede pa
ako na lang ulit
[bridge]
ngunit kung mayroon ka nang ibang mahal
ay hahayaan na kita na lumigaya sa kanya
ngunit kung may natitirang pagmamahal
ay huwag mo sanang pipigilan
ba’t ‘di muling subukan?
[chorus]
baka puwedeng ako na lang ulit
ako na lang ulit
pasensiya na kung makulit
pangakong ‘di na mauulit
ako na lang ulit
huwag ka na sanang magalit
dahil lahat ay gagawin
upang ang puso mo’y mapilit
dahil ikaw lang talaga
at wala nang iba
‘di ka na mag-iisa
hindi ka na luluha pa
kaya’t sige na, baka puwede pa
ako na lang ulit
ako na lang ulit
letras aleatórias
- letra de dirumah saja - pancal 15
- letra de trueskawki - adi nowak
- letra de giving it up - the chain gang of 1974
- letra de drive - kait kerrigan & brian lowdermilk
- letra de อยู่กับเพื่อน - ben bizzy x maiyarap x lazyloxy x blacksheep
- letra de chaos - miły atz
- letra de gun and a tear - kirk and the jerks
- letra de throw me in the sea - carter james
- letra de cybernetic homo - tang the toad
- letra de luces - jaco sanchez