letra de magwawagi - kevin opulencia
[verse 1]
bawat isa’y may pinagdaraanan
may mga hirap, mga kalungkutan
may nangungulila, may namamanglaw
at ang pagluha ay hindi mapigilan
[verse 2]
may mga hatinggabing hindi mapaidlip
minsa’y nanghihina at pagod ang isip
pagtibok ng puso ay tila bumibilis
pagka’t hindi tiyak bukas na sasapit
[pre-chorus]
mabuti na lamang at diwa ay napukaw
nang maramdaman ang iyong pagmamahal
ang mga pangamba ay agad na naibsan
dahil sa pag-asang ‘di kami iiwan
[chorus]
kami’y magwawagi kung iyong sasamahan
at sa aming laban ay laging tutulungan
hindi magagapi anuman ang magdaan
pag-asa ay mararating buhay walang hanggan
aming dalangin nawa’y pagtiisan
mga pagkukulang at mga kamangmangan
kami ay ibangon kapag nabubuwal
at huwag bayaang sa iyo’y mapawalay
[chorus]
kami’y magwawagi kung iyong sasamahan
at sa aming laban ay laging tutulungan
hindi magagapi anuman ang magdaan
pag-asa ay mararating buhay walang hanggan
aming dalangin nawa’y pagtiisan
mga pagkukulang at mga kamangmangan
kami ay ibangon kapag nabubuwal
at huwag bayaang sa iyo’y mapawalay
[outro]
salamat, oh hesus sa iyong pagmamahal
ikaw ang pag-asa’t ligaya sa buhay
letras aleatórias
- letra de home - alexandru săndoiu
- letra de letter to my grandma - jontavian barber
- letra de nuestro amor - natalino
- letra de kpano - crayon
- letra de trendy - alejandro fierro
- letra de синий камень (blue stone) - гио пика (gio pika)
- letra de no hook, pt. 1 - cijanai
- letra de last piece of me - juliana mayra
- letra de video games - madison beer
- letra de i actually got a sponsor - finn m-k