letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de theos - kensa

Loading...

[verse 1: plazma]
ito’y parusa na mas marahas pa sa pagsakal ng lubid
aming presensya ay magpapakulo sa b-n-l na tubig
kami’y berdugong nakakapote, ika’y mananahimik na
kapag umatake, garantisadong walang matitira
malawakang sabotahe na hinding-hindi maduduplika
eksperto sa garrote kaya makapagpigil hininga
anumang stilo ay papaslangin, mapa-moderno o luma
koponan ng kamao ang bangungot ni pedrong krugga!

[verse 2: bagongbata]
yo, bagongbata sa kasalukuyan, mga hula at katuparan
mga letrang nagliliwanag na siyang sisilaw ng mangmang
linyang aking nilalatag, bibiyak at maghihiwalay
ritmong mag-aalog na parang lindol sa mga isipang naliligaw
himig ko’y dala’y delubyo na maghuhugas ng mga kasalanan
mensahe ay may dalang baha, pupuno sa paniniwalang kulang-kulang
mga awit ko’y may handog ng punla at kamatayan
gumugunaw ng kabuktutan, nagluluwal ng katotohanan

[verse 3: anygma]
patingin-tingin lang kung sakali
bingi-bingian sa mga hiling at pan-n-langin
minimithi at binabawi, iniisip, sinasabi
‘sing-dali ng pahagingan, simpleng ihip ng hangin
nakakapanliit na paghihiganti at paghihigante
habang pinipilit na ‘kay iniibig sa makasariling diskarte
mang-aalipin sa halip na linisin ang pinanggalingang imahe
at pipiliin sa tanging hilig kung sinong mapapa sa
amen
[verse 4: blkd]
ang ulo ng dulo, ang walang hanggan
ang ano ng paano, ang utos at dasal
poong patotoong sa pagano ay sampal
ang sagot sa tanong na nagpasuko sa agham
kalam ng kalamnan, nagkatas-kaalaman
dunong at dugong sumugat ng kasulatan
pampalawak-pananaw, talas ng kamulatan
pagdilim ng paningin, wala nang paliwanagan!

[verse 5: kjah]
patikimin ng bala’t dura ang dapat sa balahura
ang bara ko at pluma, pambura sa balatuba
astang dambuhala, tamang i-ngudngod sa burak
mag-ibang ruta o bumalik nang may luha sa kuta
(malalim ba?) o baka nasanay nang makinig sa
mga tangang walang ibang ideya sa kung pano bumuga maliban sa ilusyon nila
o baka isa ka sa nautong para sa kanila ang delikwenteng patakarang agarang ipinasa
karapatan nati’y ginagahasa, dahil sa tulad mo na bobo
magbasa ka nga!

[verse 6: tatz maven]
yo, yo, yawa
yo
kung puta itong buhay, papatayin ang kanyang bugaw
para siya ay mapasa ‘kin, aasawahin hanggang magunaw ang mundo
para diyan pa rin ako sa bawat paglugmok niyo
tatawanan nang buo
kasi kala nauto niyo ang yahwehyawa
dugo ay lawa
walang awa
walang awat
walang sawa
sa pagsalang hanggang sa
lahat ng pwedeng pinsala ay matamo
at ako na ang tawag sa takot sa mata mo
[verse 7: apoc]
tanggal yang yabang mo kapag bumangga ka sa kampo ng kamao
mga dala mong sundalo ay burado, sigurado, mala-mamasapano
mga tupa’t mga tuta ay nabulag kaka-ungkat niyo sa burak
kaya mga utak na makupad, ‘di masukat aming sulat na pang-upak
wala ipantatapat sa mga alamat sa paggamit ng tinta (tinta)
kaya pala abala ang mga tanga sa pakana’t pagpapabida (bida)
lahat ng panggap sa pag-rap, masarap pagtirikan ng mga kandila (dila)
pugot ang mga ulo na mga nagbabalatkayo pag gamit namin talas ng dila! (dila)

[verse 8: batas]
batas!
kung ginagalawan n’yong eksena, laging nakadepende
sa kasikatan at pera, mas dadami mga peke
mga nandito para gustuhin hanggang sa pwede
ako’y nandito dahil ‘to’y pagrerebelde
kamay sa puso pero ‘di ito panata
dibdiban ko ng suntok, kamao tiyak tatama
malabo kayong maghari parang kulang ang baraha
korona ang hangarin kasi sakto sa panlasa

[verse 9: goriong talas]
linyahan ay diamante na di kayang patidin
bali gamit na lapis, pag sumulat madiin
nagpalit-anyong dating hayop sa paningin
pag kasama mo’y halimaw, da’t halimaw ka na rin!
goriong bastunеro, sabik sa tuwing tatakal
nagpatubo ng kalaw-ng sa kamay na bakal
sa pag-ikot ng mundo, ito yung nagpabagal
kung may liwanag ang buhay, kami ang sasagabal
[verse 10: kemikal ali]
magdasal ka na sa diyos mo
sakaling ‘di ka pinatawad ng mga nuno du’n sa punso
bago tumigil ang paglukso
ng malapot mong dugo kapag lumalapit na ang tukso
pabugso-bugsong galit, ‘di ginusto
kasi nga tao lang, ang pang-unawa ay nalumpo
hindi ka bagong sibol na sumulpot sa mundo
perwisyo ka parang tumor, hindi agad masugpo!

[scratches: dj arthug]
uprising! uprising!
uprising! uprising!
koponan ng kamao! koponan ng kamao!
koponan ng kamao! koponan ng kamao!

[verse 11: redrum]
sa b-n-l na aklat nasusulat: katawan ng tao’y sagradong templo
kaya birhen ang alay sa ‘kin ng handang mag-ambag sa kultura
lahat magbubunga pag may basbas ang pinagpala
sa hukay aagnas kalaunan, pataba lang sa lupa
natutulog ba ang diyos? mahimbing at parang mantika
nagtеtengang-kawali ‘pag taimtim dasal mo sa misa
nagtirik ka pa ng kandila, ‘di napatawad
pagpanaw, naging isang kaluluw-ng ligaw
na walang narating sa rap

[verse 12: ilaya]
walang diyos, walang demonyo: ang meron ay ako
walang sinasanto, pinupugutan ko ng ulo
kinakalas ko ang kalansay ng hindi sumusunod
tinataningan mga peste nang maubos na ang salot
sampal ko realidad na magiging kapalaran
biro ko’y tadhana at landas na gagapangan
nanununog ng konsensya sa apoy na walang hangganan
nagbig-y ng buhay upang dalhin sa kamatayan

[verse 13: kregga]
ako’y naging panginoon sa pinili kong landas
naging mapagmatiyag, bawat bakas sa lupa at taas
aking naging taga-sunod: mga sangganong pantas
hawak-hawak palakol at puro sarado ang balbas
baluti: balat ng toro!
pang-huni: buto ng lobo!
kapote: ulo ng oso!
kaw-ngis: tabon na tao!
ginawa ka lang panggatong para lumiyab ka hoy
sa dilim mo makikita kagandahan ng apoy

[verse 14: sak maestro]
uprising
tangina n’yo!
ang hari’y k-makain ng ubas
‘yung prutas ay inani pa nanggaling kay hudas
pinanghawak pa ng kawal mga kamay niya na bakal
pero yung pinagbabawal pala tanging panglunas
sinabing may bukas?
pwes, ako si almabat, nagbalik para magbig-y lunas
nabiyaya si bathala ng kapangyarihan panglikha sa kasawian
kaso utin ko ang panakip-butas
ang aking pamunas? puta, buong sanlibutan
pinaghahalay tapos tinamuran
ang aking sumpa’y walang humpay na libog pati kahayukan
ginahasa ko ang kahayupan
hangad ko’y babuyan, walang respeto
hayop at insekto’y, ginaw-ng remedyo
saka na ‘ko titigil at makukuntento
pag nakantot ko na ang putang gobyerno

[verse 15: emar industriya]
ibubuod sa isang dangkal na babasahin
makakalaya sa koral sa pagsapit ng pagsingil
sa pag-iisip na impakan tapakan ang baga sa talampakan lawakan
kung mahahawakan maging ang kalayaan ay nagkamatayan!
sa tindi ng pagkaka-bigti
‘di na tumindig ang igting
pabalik ka mang k-manti
bangungot sa idlip ng pumikit ay hindi na nagising
magkasing tunog ang mga tulog na inakala’y hubog
nasulasok sa usok silang nagsusunog, pinag-uuntog at kinulob
ibubuod na naman
luluhod ang bumubukod sa kamaong patalop ang taludtod
malamang sa malaman, kaalaman ang patamaan

[verse 16: kensa]
sa pagsasalubong ng langit, lupa, impyerno
ito ang paghuhukom mula sa mga supremo
susunugin ang kaluluwa
bago pa makapatak ang luha, ang mga mata’y nakaluwa na
bibitayin nang patiwarik ang mga k-mikitang-kayamanan sa pakikipaghimagsik
dagat-dagatang apoy, walang panaghoy, tiyak dugo n’yo titilabsik
puro pa kayo mga nagbabait-baitang unggoy na lulong sa kapangyarihan
na mas adik pa sa adik na may kinaaadikan
tokhang! aabutin n’yong mga hari-harian
kaya matauhan na kayong mga nagpapanggap na diyos
maghanda sa pangil ng lobo
mga alagad ng sining ang magtatatag ng bagong soberanya
‘to ang aming pagbawi ng trono!

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...