letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de isang kahig - jon bonifacio

Loading...

[intro: joi]
kayod kalabaw
init, pawis, at uhaw, maghapon
at magdamag para may ihain sa hapag
barya-baryang kita
paano pagkakasyahin
hindi mo ba nakikita, mga kalyo sa kamay
hanggang kailan kami maghihintay
sa ipinangako mong buhay?
hanggang kailan kami maghihintay
sa ipinangako mong buhay?

[verse: jon bonifacio]
araw at gabi tumataya
habol lang etong barya-baryang sukli
sinusuka lang sa kalsada
na kada alas onse ng gabi, kami
na habambuhay na kaya ipipiga
‘sang kahig na lang, ang sabi samin
‘sang kahig na lang, at sa dilim ng kalupaan
kikinang na ang ginto parang bituin
‘ya tiisin na lang ‘yang pagka-in between, in between, in between
sa pagitan ng ruta ‘la cubao hanggang batasan
sa pagitan ng kulang at kawalan
sa pagitan ng sahod siguradong alanganin
sa pagitan ng buhay at kamatayan
n-n-langin na sapat ang pamasahe pauwi
at na may konting matabi’t
mapatingin na sa doktor etong sakit ni mama
halos tatlong buwan niyang tiniis
baka sakaling maitatawid sa isang kahig, ‘sang tuka
araw-araw na buhay naming dukha
kami na sinusuka sa kagiliran ng maynila
‘lang maayos na trabaho, saan-saan lang napunta
napunta, naputa, nawala, winala
‘sang kahig, ‘sang tukang suntok sa buwan
milyon-milyong nasa bingit ng lipunan
milyon-milyong walang maaasahan na bahala, ni bathala na
sa panlaman-tiyan kaya
araw at gabi bumabiyahe
habol ang mga sabi-sabi kasi napasabit
diyan sa panaginip na tingi-tingi binahagi
ng mga nagpapayamang sinungaling, sinungaling
nakatingala na sa langit
sumasayaw pa rin mga bituin
habang masaya ‘yang mga ganid
isang milyong tuka at kahig
[outro] (sample)
kaya mga kasama, ano
siguro kung iisa-isahin yung problema ng drayber ay aabutin tayo nang umaga rito kasi ako, marami akong kwento, eh
kaya lang ‘di ko na naikekwento, baka magkaroon pa ng iyakan dito
ako, muntik nang umiyak na naman
pero sa totoong buhay lang, ano, mga kasama, tuloy lang tayong lumaban
nasa atin po, nasa atin po ang ating karapatan na ipaglaban yung ating hanapbuhay
dahil kung tayo po ay panghihinaan dito sa ating ginagawa, ay lalo po tayong mawawalan

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...