letra de ulan sa siyudad - joey ayala at ang bagong lumad
Loading...
[verse 1]
ang bawat patak ng ulan sa siyudad
ay patak ng payapa
sa bubong ng isipan
hala umulan ka, o kaibigang langit
diligan ng payapa ang puso at isip
[verse 2]
hayaang uminom sa katas ng buhay
ang mga pagod
sa maghapong trabaho
hayaang magtampisaw
sa galak at tagumpay
ang batang tumanda
sa paghahanapbuhay
[verse 3]
pagmasdan mo, o anak ng siyudad
‘di mabilang ang patak ng ulan
ikaw, tulad niya ay ‘di nag-iisa
sa daloy ng ating kasaysayan
[instrumental break]
[verse 4]
basbasan, basbasan, o patak ng ulan
basbasan kaming nagpupunyagi
‘pagkat tulad mo, kami’y nagtatagpo
sa daloy ng aming kasaysayan
[verse 5]
ang bawat patak ng ulan sa siyudad
ay patak ng payapa
sa bubong ng isipan
letras aleatórias
- letra de drive - wealthy jame$
- letra de threesome - guap tarantino & nav
- letra de farewell, goodbye, so long - nick cave and the bad seeds
- letra de sólo los chicos - fito páez
- letra de game plan - lil sparxxx
- letra de соната танатоса (sonata of thanatos) - pyrokinesis
- letra de gilgamesh (demo) - arthur
- letra de mennyt mies - j. karjalainen
- letra de lil baby freestyle (remix) - m huncho
- letra de das ist mein ding - die fantastischen vier