
letra de darating - jayson v. & rovic
[verse 1: jayson v.]
aalagaan ko ang iyong pag-ibig
dahil ikaw ay bigay ng langit
para sa’yo lang itong damdamin
hinding hindi ko sasayangin
[pre-chorus: jayson v.]
sa hirap man o ginhawa
ulanin man ng problema
milya-milya man ang distansiya
tawagin mo lang ako
[chorus: jayson v.]
darating palagi
asahan mo na tunay ‘to
hindi mawawalay sa’yo
hindi magbabago
pag-ibig ko’y sa’yo
[verse 2: rovic]
lagi kitang uunawain
kahit minsan ay masungit ka sa ‘kin
mahalin mo lang ay sapat na sa ‘kin
basta pangako mo, ‘di ka bibitiw
[pre-chorus: rovic]
sa lungkot man at ligaya
eksena ay laging ma-drama
kahit minsan ‘di na kinakaya
nandito lang ako
[chorus: rovic]
darating palagi
asahan mo na tunay ‘to
hindi mawawalay sa’yo
hindi magbabago
pag-ibig ko’y laging (yeah) sa’yo
[bridge: rovic]
una pa lang pinangako sa’yo
dalaw-ng beses kong inulit para sana ‘di ka na malito (sa’yo!)
tatlong salita, ‘yon ang pinapairal ko
wala na sanang duda dahil pagmamahal ko’y totoong-totoo
apat na buwan kong ipinagpanata ‘to
limang taon na nakalipas, narito pa rin ako
ngayo’y pang-anim kasunod na ang pito, walo
siyam, sampu, pag-ibig ko sa’yo pang habang buhay ‘to
[break: jayson v.,rovic]
noong unang dumating ka sa buhay ko
araw-araw ay naging masaya na ako
tapos pinunan mo pa ng pagmamahal mo
kaya doon pa lang p-n-lo na ako
bakit nga ba ikaw ang nakilala ko?
siguro ay itinadhana ka sa ‘kin ng diyos para alagaan ko
aalagaan kita ng tulad ng pag-aalaga mo sa ‘kin noong unang naging tayo (woah)
mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko
hindi ako magbabago umaraw man o bumagyo (oh woah)
mananatili ka lang sa puso ko
hindi mawawalan ng “tayo”
[chorus: rovic]
darating palagi
asahan mo na tunay ‘to
hindi mawawalay sa’yo
hindi magbabago
pag-ibig ko’y laging…
[chorus: jayson v., rovic]
darating palagi (darating palagi)
asahan mo na tunay ‘to (asahan mo na tunay ‘to)
hindi mawawalay sa’yo (hindi mawawalay sa’yo)
hindi magbabago (hindi magbabago)
pag-ibig ko’y laging… (pag-ibig ko’y laging…)
[outro: jayson v., rovic]
sa’yo
sa’yo
letras aleatórias
- letra de undefeated - left arm tan
- letra de vienes - luis figueroa
- letra de weary eyes - doctor jay official
- letra de spellbound! - savemesamudio feat. somber
- letra de tarassaco e lacrime artificiali - lil jolie
- letra de actress - 5thy
- letra de god pill - losing god
- letra de 미아 (lost) - choi yu ree (최유리)
- letra de skylines - ghosthands
- letra de rob lucci (snippet)* - pe$o pete