
letra de u-belt - jan roberts
[verse 1]
pagod tayong dalawa
galing sa ukayan
humihikab ka pa
habang papuntang sakayan
bandang santolan
nag-aantay ng masasakyan
umidlip ka muna
sumandal sa’king balikat mahal
nawa ay magtagal pa ang ating pagsasama (pagsasama)
palagi akong sisipagin na ihatid ka
[chorus]
dahan-dahan kitang sinusulyapan
mga problema’y nawawala sa’king isipan
kapag kasama ka
ako na ata ang pinakamaligaya
walang problema sana lagi na lang kitang kasama
[verse 2]
mahaba pa ang byahe
matulog ka muna sa’king tabi
ako na ang bahala
makakauwi ka ng payapa (payapa)
sa ngayon ika’y tititigan
ngingiti sa’yong kagandahan
malayo pa ang sampaloc
dahil tayo’y nasa anonas pa lang
[interlude]
[chorus]
dahan-dahan kitang sinusulyapan
mga problema’y nawawala sa’king isipan
kapag kasama ka
ako na ata ang pinakamaligaya
walang problema sana lagi na lang kitang kasama
letras aleatórias
- letra de disco in alaska - jack mansion
- letra de fictional - lil joof
- letra de mad about bars - s5-e23 - fizzler
- letra de kim k - swimm
- letra de little human - tom sanders
- letra de уау (wow) - atanas kolev
- letra de e se eu cair - thiago juraski
- letra de symphony of dawn - worlds beyond (bel)
- letra de house of sarah - the hit parade
- letra de putz - atitude 67