letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de nalunod sa unos - isurge music

Loading...

baha ang kapalit ng inyong kasakiman
pera ng bayan tinapon sa bulsa niyong walang hanggan
proyekto’y papel, kalsada ilusyon

habang kami nilulunod ng sariling bayan
sino ang may sala? (ooh) tanong ng masa (ooh)
habang bata’y inanod, nang agos ng kawalan
dumadaloy ang luha sa bawat kalye

habang kayo’y lumalangoy sa alon ng yaman
suitcase ng salapi, ipinasa sa palasyo
kami naiwan (ooh), nalunod sa unos
s-m-ntong manipis, tulay na hungkag

bilyon ang binayad, ngunit kami nilabag
mga anak natutulog sa bubong ng bahay
samantalang pamilya nyo’y nasa eroplano’t hotel na magarang tunay
naririnig nyo ba ang iyak ng bayan (ooh)

habang kayo’y nagbibilang ng dolyar sa maleta
dumadaloy ang luha sa bawat kalye
habang kayo’y lumalangoy sa alon ng yaman
suitcase ng salapi, ipinasa sa palasyo

kami naiwan, nalunod sa unos
saan napunta ang aming buwis
sa bulsa nyo!
saan napunta ang aming kinabukasan
tinangay nyo!
habang bayan ay lumulubog sa baha
kayo’y naglalakbay sa ibang bansa
dumadaloy ang luha sa bawat kalye

habang kayo’y lumalangoy sa alon ng yaman
suitcase ng salapi, ipinasa sa palasyo
kami naiwan, nalunod sa unos
hindi kami titigil (ooh)

hindi kami tatahimik (ooh)
hanggang hustisya’y sumilip
hindi kami titigil (ooh)
hindi kami tatahimik (ooh)

bayan ay lalaban
bayan ay babangon

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...