letra de boses ng kalye - isurge music
sa bawat kanto, sigaw ng gutom ang maririnig
habang sa palasyo, sigaw nila ay sa konsyerto
barya ang sa mesa, trilyon ang binubulsa
ang pangarap ng bayan, ngayo’y unti-unting naglalaho
hindi na kaya ng masa, hindi na kaya ng puso
hanggang kailan kami magbabayad para sa kanilang mga pang-aabuso
boses ng kalye, umaalingawngaw
sigaw ng masa, di na kayang pigilan
kung wala kayong puso, mamamayan ang huhusga
hindi kami bibitaw, bayan ang kasama
sama-sama kaming maghahanap ng hustisya
mga halakhak ng politiko, parang kutsilyong bumabaon
sa dibdib ng taong bayan
sa pawis ng manggagaw-ng pilipino, nanggagaling ang yaman nyo
habang nagdiriw-ng sila sa pagnanakaw ng kaban ng bayan
ang taong bayan ay nilulunod sa utang at kawalan
hindi na kaya ng sikmura, hindi na kayang pigilan
ang galit ng mamamayan, malapit nyo nang matikman
boses ng kalye, umaalingawngaw
sigaw ng masa, di na kayang pigilan
kung wala kayong puso, mamamayan ang huhusga
hindi kami bibitaw, bayan ang kasama
sama-sama kaming maghahanap ng hustisya
kung hindi nyo kami maririnig sa lansangan
dadalhin ang awit at galit
bawat ina, bawat anak, bawat ama
isang tinig, hustisya
hustisya!
boses ng kalye, apoy ay naglalagablab
hindi kami titigil hanggang hustisya’y matanggap
kung wala kayong puso, kami may lakas
bayan ko, bumangon ka, panahon na para lumaban
boses namin, hindi nyo kayang patahimikin
letras aleatórias
- letra de saitama - lil careca
- letra de неформальный - balbec
- letra de kisho - katina || كيشو - كاتينة - omar kisho
- letra de huntress - pep squad
- letra de parachute - mat kerekes
- letra de #zombiekiller (tokyo occult diss) - o67
- letra de masunaga vapors (live) - the armed
- letra de for you - heavn
- letra de onme - grim$ight
- letra de dark mode - beto (usa)