
letra de pag-ibig sa tinubuang lupa - inang laya
[intro]
aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
aling pag-ibig pa? wala na nga, wala
[verse 1]
walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop
dugo, yaman, dunong, katiis at pagod
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot
[verse 2]
ang nakaraang panahon ng aliw
ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin
liban pa sa bayan, saan tatanghalin
[verse 3]
sa abang-abang mawalay sa bayan
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang alaala’t inaasam-asam
kundi ang makita’y lupang tinubuan
[verse 4]
kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
ng bala-balaki’t makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag
[verse 5]
ipakahandug-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
ito’y kapalaran at tunay na langit
[outro]
aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
aling pag-ibig pa? wala na nga, wala
letras aleatórias
- letra de macaulay culkin - qloryqt & maxikor
- letra de une autre histoire - specy men
- letra de free to roam - neverending (usa)
- letra de show crooks - souljadatap
- letra de eight billion miracles - jesse butterworth
- letra de soft girl - asmae
- letra de gargoyle 2 - rapcalling
- letra de i thought wrong - the field mice
- letra de glare - paint in watercolour
- letra de bully - ceijy